YSLEP telethon, pinuri ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total views

Nakiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa pagdaraos ng Caritas Manila ng Youth Servant Leadership Education Program (YSLEP) telethon sa himpilan ng Radio Veritas.

Ayon kay Jose Allan Arellano – CEAP Executive Director, katangi-tangi ang inisyatibo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila dahil binibigyan ng programa ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-aral sa kabila ng mga pagsubok sa ekonomiya na dulot ng pandemya.

“In cognizant of the world’s initiative in providing equitable and progressive opportunities for the youth, the continuing initiatives of Caritas Manila in giving scholarships to the youth through the project ‘Youth Servant Leadership Education Program’ (YSLEP) is a laudable action, it is an aspiration for young people to thrive scholastically even in challenging financial situations,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.

Ayon kay Arellano, napakahalaga ng pagsuporta sa YSLEP para tulungan ang mahigit 5-libong kabataan taon-taon sa buong Pilipinas na makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo o technical vocational programs.

Napapanahon din ang pagpapaigting ng YSLEP dahil patuloy na bumibilis o nagbabago ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral na dapat ay kanilang ginugugol sa pag-aaral.

Alinsunod ito sa global partnership ng mga pampubliko at pribadong sektor na tinatawag na ‘Generation Unlimited’ na ang layunin ay linangin ang kakayahan o abilidad ng mga kabataan at matiyak na mayorya sa populasyon ng kabataan sa 2030 ay mayroong trabaho.

“It is indeed a fruitful mission to see the potentials of all individuals equally, thus providing them assistance in whatever form it is- financial, social, or spiritual, with this, the 31 million Filipino youth will reap a desirable future and be integral to the country’s economic and social ecosystem, please accept our sincerest congratulations on your effort in organizing this fundraising program,” ayon pa sa mensahe ni Arellano.

Ang CEAP ay binubuo ng mahigit 1,600 mga katolikong paaralan at institusyon sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Tema ng YSLEP Telethon para sa School Year 2022-2023 ay Youth Servant Leadership Towards National Building’ na layuning makaipon ng 20-milyong pisong donasyon na gagamiting pondo para sa pag-aaral ng mga YSLEP scholars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 105,967 total views

 105,967 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 149,575 total views

 149,575 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 231,441 total views

 231,441 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 239,731 total views

 239,731 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top