NFSW, nanawagan sa pamahalaan na sagipin ang mga sugar farmer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 961 total views

Nanawagan ang National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa pamahalaan na sagipin ang pagtulong sa mga sugar farmer ng Pilipinas.

Inihayag ni Butch Lozande – NFSW Secretary General na pabalik-balik na nararanasan ang krisis sa kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.

“Actually yung crisis naman ng sugar is pabalik balik yan, may chronic crisis tong sugar natin dahil import dependent yung ating sugar industry malaki at maraming mga factors kung bakit palaging krisis at kung bakit palaging time to time,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Lozande.

Iminungkahi ni Lozande na nararapat bigyan ng subsidy ang sugar farmers upang maparami ang lokal na produksyon ng asukal sa bansa.

Ayon kay Lozande, hindi makakasabay ang Pilipinas sa produksyon ng asukal ng mga bansang Thailand, Australia, Indonesia at Malaysiya umaabot sa 75 hanggang 85-tonelada kada ektaryang lupain hanggat walang suporta ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga sugar farmers.

“Dehado talaga tayo sa ibang bansa sa usapin ng kompetisyon habang ang mga bansang ito nagiging benefited sila sa production subsidy ng kanilang kaniya-kaniyang gobyerno, tayo naman ay wala, wala tayong production subsidy sa farmers yun pa ngang pinapanawagan natin na 15-thousand (pesos) per hectare or 10-thousand per hectare para man lang mahabol, masagot o masustain ng ating mga farmer especially the small and agrarian reform beneficiaries,” ayon pa sa panayam kay Lozande.

Ang NSFW ay binubuo ng 14-libong sugar farmers mula sa mga lalawigan ng Negros, Batangas at Bukinon.

Pinangangambahan na rin ng Philippine Chambers of Commerce and Industry (PCCI) na magdulot ng krisis ang panibagong pagtataas ng presyo ng mga produkto na asukal ang pangunahing sangkap.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tugunan ang suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura upang hindi maranasan ang krisis sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 14,859 total views

 14,859 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 45,082 total views

 45,082 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 71,733 total views

 71,733 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 166,706 total views

 166,706 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 187,040 total views

 187,040 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top