Taas sahod sa mga OFW sa Taiwan, pinuri ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang ibinigay na wage hike ng Taiwan government sa mga Migrant Caregivers at Domestic Helpers.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP-ECMI,ang hakbang ay pagkilala ng Taiwan sa magandang serbisyo ng mga migrant workers lalu na ang mga Overseas Filipino Worker.

“This is indeed a good news, caring and kind gestures of the Taiwan government. With salary increase, we see how they value and appreciate the selfless services and exemplary works of our OFWs. We are grateful for the concern and compassion of the Taiwan government,” mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Umaasa din si Bishop Santos na magbibigay inspirasyon ang insentibo sa mga O-F-W upang higit pang pagbutihin ang kanilang trabaho.

Sinabi ng Obispo na higit ring patitibayin ng hakbang ang katatagan ng mga O-F-W na nahiwalay sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.

“Following this praise worthy gestures of Taiwan, let us be more proactive and more efficient to promote the welfare of OFWs and to protect their rights.”papuri ni Bishop Santos

Ipinangako din ni Bishop Santos ang patuloy na pananalangin at pag-aalay ng misa para sa ikabubuti ng mga O-F-W at Filipino Migrants sa buong daigdig.
“As always we offer our Holy Masses and pray of the safety, sound health and successes of our OFWs in their endeavours,”pangako ni Bishop Santos

August 10 ng ipatupad ang bagong polisiya sa Taiwan kung saan mula sa karaniwang 17-thousand New Taiwan Dollars (NTD) o mahigit 31-libong piso, ay aabot na ngayon ng hanggang 20-thousand NTD o 37-libong piso ang buwanang suweldo ng mga Migrant Domestic Helpers at Caregivers sa Taiwan.

Ayon sa datos ng pamahalaan, aabot sa 148-libong Pilipino ang nasa Taiwan kung saan 26-libo ang mga Migrant Domestic helpers at Caregivers.(JM)

Una ng kinilala ng CBCP-ECMI ang patuloy na pagiging matatag ng remittances ng mga Pilipino na nasa ibat-ibang bahagi ng daigdig na malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,503 total reads

 14,503 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,528 total reads

 15,528 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,310 total reads

 31,310 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 68,687 total reads

 68,687 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,956 total reads

 99,956 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,213 total reads

 175,213 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,925 total reads

 267,925 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top