Salubungin ang school year 2022-2023 ng may sigla at pag-asa, mensahe ng CBCP-ECCCE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total views

Salubungin ang bagong taon ng face-to-face classes ng mayroong sigla at pag-asa.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishops Jose Elmer Mangalinao, Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, sa mga mag-aaral, guro at mga kawani ng paaralan sa pagsisimula ng school year 2022-2023 sa August 22.

Ipinagdarasal ng Obispo na isabuhay ng bawat isa sa sektor ng edukasyon ang mga aral na natutunan sa mga suliraning idinulot ng COVID-19 pandemic.

“We welcome the new school year with so much hope and enthusiasm, hoping that everybody learned from this pandemic times: How important the face to face medium of instructions, how valuable to see your teachers, classmates and friends each day,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Inaasahan rin ng Obispo ang kagalakan ng mga guro sa panunumbalik ng face-to-face classes ngayong taon matapos ipagbawal at limitahan para sa kaligtasan laban sa virus.

Panalangin ni Bishop Mangalinao na makakamit ng lahat ang layunin sa pagsisimula ng klase sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, magulang o legal guardian, kawani at maging ng mga estudyante.

“I pray that as we are given another chance to begin again, may we all learn that we are blessed with the gifts of life, faith and mission, I pray too that all those involved in the training, formation and education of our young, may, take to heart the mission of helping them see the meaning of life by their words and actions,” panalangin ng Obispo para sa S.Y. 2022-2023.

Bagamat nagpapatuloy ang enrollment period ng mga estudyante, ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na nasa 22.5-milyon na ang enrollees sa pribado at mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.

Nakapaloob sa DepEd Department Order No.34 na sa pagsisimula ng klase ay ipapatupad muna ang hybrid learning systems ng online classes, face to face classes at modular learning systems hanggang November 02 na araw ng implementasyon ng 100-porsiyentong F2F classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 44,729 total views

 44,729 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 88,337 total views

 88,337 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 171,943 total views

 171,943 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 185,769 total views

 185,769 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top