Bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,271 total reads

Hiniling ng bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu sa mananampalataya lalo na sa Arkidiyosesis ang patuloy na panalangin sa kanyang bagong misyon na kakaharapin.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ruben Labajo, sinabi nitong makatutulong ang panalangin at pakikiisa ng mananampalataya sa kanyang paglalakbay tungo sa mas maunlad na simbahan at pamayanan.

Naniniwala ang obispo na sa pagkakaisa at pagtutulungan ay mapagtagumpayan ang anumang hamon at mas lumago ang pananampalataya sa mga komunidad.

“Akong hangyo nga i-ampo ko sa akong bag-ong misyon isip abag nga obispo diri sa Cebu. Magmalampuson kita sa atong misyon kung magtinabangay ta. Uban sa pangaliya sa Mahal nga Birhen ug sa tabang pod nila Archbishop Palma, Bishop Dodong ug mga pari dinhi sa archdiocese magkahiusa ta sa panon sa atong pagtoo. [Hiling ko sainyo na ipagdasal ako para sa aking panibagong misyon bilang katuwang na obispo dito sa Cebu. Magtatagumpay ang ating misyon kung magtulungan tayo. Sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birhen sa tulong din nila Archbishop (Jose) Palma, Bishop (Midyphil) Billones at sa mga pari ng Archdiocese, sama-sama at magbuklod tayo sa ating paglalakbay], ” pahayag ni Bishop Labajo sa Radio Veritas.

Kilala ang bagong katuwang na obispo ng Cebu sa pagkakawanggawa at pagtataguyod ng mga programa sa mga mahihirap na komunidad at pagiging aktibo sa charismatic groups.

Sa homiliya ni Malolos Bishop Dennis Villarojo, pinaalalahan nito ang bagong obispo na maging daluyan ng pagpapala at maghatid ng kapayapaan sa mga pamayanan.

“Today, Bishop Ruben, the Lord is sending you. He is sending you as lamb among wolves. But perhaps by bridging the ruptures, you can reconcile lamb and wolf together. He asks you to bring peace to every home you visit, but perhaps you could also announce justice without which there could be no peace,” ani Bishop Villarojo.

Pinangunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang Episcopal ordination bilang principal consecrator habang nagsilbing Co consecrator naman si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Bishop Villarojo.

June 23, 2022 nang italaga ni Pope Francis si Bishop Labajo na Auxiliary Bishop ng Cebu kasama si Bishop Midyphil Billones.

Bukod sa dalawang katuwang na obispo ni Archbishop Palma, dalawa rin ang Auxiliary Bishop Emeritus ng arkidiyosesis na sina Bishop Emilio Bataclan at Bishop Antonio Ranola.

Ginanap ang pagdiriwang sa Cebu Metropolitan Cathedral na sinaksihan ng humigit kumulang 40 mga obispo, daang daang mga pari, relihiyoso at layko mula sa iba’t-ibang parokya ng Archdiocese.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,513 total reads

 14,513 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,536 total reads

 15,536 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,319 total reads

 31,319 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 68,696 total reads

 68,696 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,965 total reads

 99,965 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,222 total reads

 175,222 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,933 total reads

 267,933 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,514 total reads

 14,514 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top