Kauna-unahang state of Laiko report, isinagawa ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang kauna-unahang State of the Laiko Report ngayong August 20.

Ito ay inisyatibo ng Archdiocesan Commission on the Laity na layong isapubliko ang mga programang ipinatupad lalo na noong nagsimula ang pamdemya.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Laiko Cebu Chairperson Fe Barino, sinabi ng opisyal na ito ang pagkakataon na ilahad sa mamamayan ang tinatahak ng komisyon na katuwang ng simbahan sa pagmimisyon.

“This aims to inform the lay organizations, the priests, and the archbishop where we are now, the commission on the laity because even in the pandemic we were active; This also a venue for us lay people to listen to the archbishop kung ano ang direksyon ni Archbishop (Jose) Palma for the laity, “ ayon kay Barino sa panayam ng himpilan.

Ibinahagi ni Barino na isa sa malaking nagawa ng komisyon ang pagbuklurin ang iba’t ibang lay organizations sa arkidiyosesis bilang council tulad ng grupo ng mga Marian devotees, popular devotions, charismatic groups, lay tertiary at ang iba pang apostolate services ng simbahan.

Naniniwala ang opisyal na ito ang unang hakbang para pagkaisahin ang mga layko tungo sa mas matibay na pundasyon ng simbahan at pagpapalago ng misyon sa mga komunidad.

“We were able to form five councils under the Commission on the Laity and to us it’s a very great development kasi yung collaboration para sa simbahan naging strong,” ani Barino.

Tema ng pagtitipon ang “Lihok Laiko Padayon sa Panaw sa Pagsangyaw” na isang paanyaya sa bawat mananampalataya na paigtingin ang pakikiisa sa misyon ng simbahan lalo ngayong inilunsad ni Pope Francis ang Synod on Synodality.

Sinabi ng opisyal na mahalagang palakasin ang mga layko upang mapaglingkuran ng simbahan ang halos limang milyong katoliko sa arkidiyosesis sa 174 mga parokya.

“We are focusing on strengthening the councils of the lay organizations para sila they will make their presence felt in the Parishes, serving the church, bringing them back to the Parishes through their charism,” giit ng opisyal.

Isinagawa ang State of the Laiko Report sa IEC Pavilion na dadaluhan ni Cebu Archbishop Jose Palma, at mga katuwang na obispo ng arkidiyosesis gayundin ang iba’t ibang kinatawan ng lay groups sa mga district ng Archdiocese.

Umaasa si Barino na sa pamamagitan ng programa at inisyatibo ng komisyon ay mas mapaigting at mapalalim ang pananampalatayang katoliko at maisabuhay ang simbahang naglalakbay ng may pagbubuklod sa bawat isa.

“I hope through this programs mas maraming layko ang ma-involve sa ating simbahan not just simply by attending the mass but most especially engage in the works of the church and we can bring people closer to God in serving the church and the community,” ani Barino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,221 total reads

 81,221 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,665 total reads

 115,665 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,965 total reads

 150,965 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,234 total reads

 377,234 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,280 total reads

 266,280 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top