Opisyal ng CBCP, saludo sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Ipinaalala ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang malaking gampanin ng mga guro at kawani ng paaralan sa paghuhubog sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Kinilala ni Bishop Mangalinao, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagiging masigasig ng mga guro upang mabigyan ng mabuting edukasyon ang mga estudyante sa dalawang taon ng pandemya.

Tiwala ang Obispo na ang mga guro na itinuturing na ikalawang magulang ng mga mag-aaral ang magsilbing gabay upang matagpuan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon sa pagkakaroon ng maayos at magandang kinabukasan.

“Sila [mga guro] ay lubhang kinakailangan upang matutunan ng mga mag-aaral ang tama at malabanan ang kasinungalingan; maging bukas ang mga mag-aaral sa kasaysayan na huhubog sa ating kinabukasan at magpapatigil sa mga tsismis na pawang kasinungalingan,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Mangalinao na ang pagbubukas ng panibagong taong pampaaralan ay magsilbing simula at hakbang tungo sa pagkakaroon ng modernong edukasyong makakatulong sa kaalaman ng mga kabataan.

Ito’y sapagkat patuloy na isinasaayos ng pamahalaan ang pagkakaroon nang maayos na kalidad ng edukasyon sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“Higit nawa silang maging bukas sa panibagong pagkakataon na ibinibigay upang magturo, maggabay, at magbigay pananaw sa mga kabataan,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

Magugunitang sa kasagsagan ng pandemya, nakita ang kakayahan ng teknolohiya upang patuloy na maipahatid sa mga estudyante ang edukasyon sa mga tahanan sa halip na pisikal na pumapasok sa paaralan.

Nakapaloob sa panuntunan ng Department of Education (DepEd) na sa pagsisimula ng klase sa Agosto 22 ay ipapatupad muna ang hybrid learning systems ng online classes, face-to-face classes, at modular learning systems hanggang Nobyembre 2.

Inaasahan namang sa Nobyembre ay maipatutupad na ang 100-porsiyentong face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,577 total reads

 6,577 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,847 total reads

 19,847 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,409 total reads

 60,409 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,406 total reads

 87,406 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,671 total reads

 135,671 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,858 total reads

 156,858 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,745 total reads

 128,745 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top