Planong paghahati ng nasasakupan ng Archdiocese of Cebu, tinatalakay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 860 total reads

Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na nasa proseso pa ang paghati o paghihiwalay sa nasasakupan ng Archdiocese of Cebu.

Ayon kay Archbishop Palma layunin nitong higit mapaglingkuran ang mananampalataya sa lalawigan na tinatayang mahigit sa apat na milyong katoliko.

Ang pahayag ng arsobispo ay kasunod ng ordinasyon ni Bishop Ruben Labajo bilang Auxiliary Bishop ng arkidiyosesis.

“In the process na g’yud kining pagtunga [ang ating paghati] sa Archdiocese (Cebu). Actually dugay na ning plano pero sige na ang atong process karon [matagal na itong binabalak pero nasa proseso na tayo] , this aims to serve more people, especially in the far-flung areas in Cebu province,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Si Bishop Labajo ang ikalawang katuwang na obispo ng arkidiyosesis kasama ni Bishop Midyphil Billones habang dalawang obispo rin ang retirado na sa tungkulin sina Bishop Antonio Ranola at Bishop Emilio Bataclan.

Paliwanag ni Archbishop Palma, malawak ang Archdiocese ng Cebu na binubuo ng 174 mga parokya kabilang na ang nasa iba’t ibang isla ng lalawigan.

Matatandaang una nang inihayag ni Archbishop Palma ang planong paghati sa arkidiyosesis nang maitagala itong arsobispo noong 2011.

Suportado naman ng namayapang Cardinal Ricardo Vidal, dating arsobispo ng Cebu ang ninanais ni Archbishop Palma sapagkat makabubuti upang mapaglingkuran ang mga pangangailangan ng mga mananampalataya.

Mungkahi noon ni Cardinal Vidal na hatiin sa tatlo ang Archdiocese of Cebu, ang North Cebu, Metro Cebu at South Cebu.

Sa kasalukuyan kabilang sa suffragan diocese ng Ecclesiastical Province ng Cebu ang Dumaguete, Maasin, Talibon at Tagbilaran.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,327 total reads

 13,327 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,472 total reads

 14,472 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,539 total reads

 29,539 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,916 total reads

 66,916 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,186 total reads

 98,186 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,551 total reads

 173,551 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,351 total reads

 266,351 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,328 total reads

 13,328 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top