Filipina-nurse George Cross awardee, nanawagan sa pamahalaan sa kalagayan ng mga nurse sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total reads

Bigyan nang tuon at pagpapahalaga ang mga healthcare workers sa Pilipinas.

Ito ang panawagan ni United Kingdom-based Filipina nurse May Parsons sa mga hamong kinakaharap ng mga healthcare workers sa bansa.

Ayon kay Parsons, mas pinipiling maghanapbuhay ng mga nurse sa ibang bansa sa halip na manatili dito sa Pilipinas dahil sa hindi sapat na suweldo at hindi magandang pakikitungo.

“Hindi naman po sila (nurses) naghahanap ng kung anong klaseng sahod ang meron pero dapat po ‘yung sapat. Hindi po natin sila masisisi kung aalis sila [ng Pilipinas] kasi hindi po nagbabago ang buhay nila because it’s just gets worse,” pahayag ni Parsons sa ginanap na press conference sa University of Santo Tomas.

Sinabi ng Filipina nurse na napakalaking tulong ng mga healthcare workers tulad ng mga nurse sa pagkakaroon nang maayos na sistema ng kalusugan lalo na sa nagdaang novel coronavirus pandemic.

“My request is kung gusto n’yo po silang mag-stay dito, be fair. Hindi naman po kami naghahanap ng pa-special na trato. Ang kailangan lang po namin is fairness and equity,” giit ni Parsons.

Tiniyak din ni Parsons na mananatili siyang tinig ng mga healthcare workers sa bansa upang maipabatid sa pamahalaan ang kanilang mga karapatan bilang mga tagapaglingkod at tagapaghatid ng lunas sa bayan.

Nagtapos ng Nursing degree sa UST si Parsons noong 2000 at nagtrabaho sa UST Hospital hanggang 2003 bago magtungo sa ibang bansa at maging bahagi ng National Health Service ng United Kingdom.

Si Parsons ang nangasiwa sa kauna-unahang coronavirus vaccination sa buong mundo at nakatanggap ng George Cross Award mula kay Queen Elizabeth II at Prince Charles sa Windsor Castle-ang pinakamataas na civilian award para sa katapangan at kagitingan sa Britanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,573 total reads

 68,573 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,082 total reads

 104,082 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,382 total reads

 139,382 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,652 total reads

 365,652 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,196 total reads

 255,196 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,794 total reads

 154,794 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top