Planong paghahati ng nasasakupan ng Archdiocese of Cebu, tinatalakay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na nasa proseso pa ang paghati o paghihiwalay sa nasasakupan ng Archdiocese of Cebu.

Ayon kay Archbishop Palma layunin nitong higit mapaglingkuran ang mananampalataya sa lalawigan na tinatayang mahigit sa apat na milyong katoliko.

Ang pahayag ng arsobispo ay kasunod ng ordinasyon ni Bishop Ruben Labajo bilang Auxiliary Bishop ng arkidiyosesis.

“In the process na g’yud kining pagtunga [ang ating paghati] sa Archdiocese (Cebu). Actually dugay na ning plano pero sige na ang atong process karon [matagal na itong binabalak pero nasa proseso na tayo] , this aims to serve more people, especially in the far-flung areas in Cebu province,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Si Bishop Labajo ang ikalawang katuwang na obispo ng arkidiyosesis kasama ni Bishop Midyphil Billones habang dalawang obispo rin ang retirado na sa tungkulin sina Bishop Antonio Ranola at Bishop Emilio Bataclan.

Paliwanag ni Archbishop Palma, malawak ang Archdiocese ng Cebu na binubuo ng 174 mga parokya kabilang na ang nasa iba’t ibang isla ng lalawigan.

Matatandaang una nang inihayag ni Archbishop Palma ang planong paghati sa arkidiyosesis nang maitagala itong arsobispo noong 2011.

Suportado naman ng namayapang Cardinal Ricardo Vidal, dating arsobispo ng Cebu ang ninanais ni Archbishop Palma sapagkat makabubuti upang mapaglingkuran ang mga pangangailangan ng mga mananampalataya.

Mungkahi noon ni Cardinal Vidal na hatiin sa tatlo ang Archdiocese of Cebu, ang North Cebu, Metro Cebu at South Cebu.

Sa kasalukuyan kabilang sa suffragan diocese ng Ecclesiastical Province ng Cebu ang Dumaguete, Maasin, Talibon at Tagbilaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,453 total reads

 70,453 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,827 total reads

 105,827 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,127 total reads

 141,127 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,396 total reads

 367,396 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,872 total reads

 256,872 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top