Pagbubukas ng KASAMA Inserted Community, pinangunahan ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Ipinagpapatuloy ng Diocese of Kalookan ang pag-abot sa mga mahihirap na komunidad sa tulong ng Order of Friars Minor in the Philippines (OFM).

Ito ay matapos isagawa ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagbabasbas sa religous house na siya ring formation house ng mga theology students sa Baesa, Quezon City na nasasakupan ng Diocese of Kalookan.

Ang formation house ay magsisilbi ring Canonically Inserted Community na isa sa mga misyon ng OFM Philippines upang higit na maabot at maipahayag ang pananampalataya sa mga nasa mahihirap na komunidad.

“Sana yung community rito samantalahin nila yung presence ng ating mga Franciscan brothers because magdadasal yan sa piling nila at sa pamamagitan nila I hope na maging isang prayer community talaga itong komunidad na ito dito sa Baesa Quezon City,” paanyaya ni Bishop David

Inihayag naman ni Father Cris Pine, OFM ang kagalakan sa pagbabasbas ng Obispo na sinundan ng unveiling ng painting ni Dominic Escobar na may titulong ‘Maria Reynang – Lingkod ng Sangkalikasan’ na nakaayon sa Laudato Si ni Pope Francis at inialay para sa KASAMA Inserted Community.

“Sa aming mga Franciscan dito sa Pilipinas ito yung una na isang inserted community na itatatag bilang isang regular na religious community at simula 1975 ay mayroon na kami mga tinatawag na mga inserted community pero ngayon lang kami magiging parang may sariling local chapter, magdedecide sa sarili at may sariling mga ministro o guardian na tinatawag namin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pine.

Kasama ang mga theology students ng diyosesis ay nakatakdang pangasiwaan ng siyam na OFM Priest ang Kasama Inserted Community sa Baesa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,014 total reads

 73,014 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,168 total reads

 108,168 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,468 total reads

 143,468 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,737 total reads

 369,737 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,146 total reads

 259,146 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top