Bawat binyagan ay bahagi ng misyon ng Ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines -Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na ang bawat binyagan ay bahagi ng misyong ipalaganap ang turo ng simbahan sa pamayanan.

Ito ang mensahe ni Bayombomg Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng komisyon sa nalalapit na pagdiriwang ng National Catechetical Month sa Setyembre.

Ayon sa obispo bahagi ng tungkulin bilang kristiyano ang hubugin lalo na ang mga kabataan ayon sa turo ng Panginoon.

“Ang taunang pagdiriwang Catechetical Month ay paalala na ang bawat binyagan ay ‘katekista’. Tagapagturo sa gawa at salita ng aral ni Kristo; tagapagpahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng oras at sa lahat ng gawain; at pasabuhay ng salita ng Diyos sa abot ng kanyang kaya,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.

Apela ng obispo sa mananampalataya lalo na sa mga magulang na maging masigasig bilang katekista sa kapwa lalo sa kabataan upang mahubog ang kaisipan at pagkatao tungo sa ninanais ng Panginoon.

Giit ni Bishop Mangalinao, ang biyaya ng buhay na tinatanggap ng tao sa araw-araw ay isang hamong makiisa sa misyon na dalhin at ipakilala si Hesus sa mga komunidad.

“Sapagkat tayo ay patuloy na binibigyan ng buhay ng Diyos, ibig sabihin may misyon ang bawat isa na kilalanin, mahalin at paglingkuran ang Diyos sa araw-araw,” saad pa ng obispo.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ” kung saan ipinaalala sa mananamapalataya ang misyon na sama-samang paglalakbay bilang binyagan at tagasunod ni Kristo.

Ayon sa pag-aaral ng National Catechetical Studies ng University of Santo Tomas nasa 50-libo ang mga katekista sa buong bansa na katuwang ng simbahan sa pagbibigay katesismo sa mga paaralan at pamayanan.

Tuwing Setyembre ipinagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ang National Catechetical Month bilang pagbibigay pugay kay sa katekistang si San Lorenzo Ruiz – ang kauna-unahang martir na santong Pilipino.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,356 total reads

 10,356 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,748 total reads

 11,748 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,226 total reads

 25,226 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,604 total reads

 62,604 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,874 total reads

 93,874 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,497 total reads

 169,497 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,506 total reads

 262,506 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,358 total reads

 10,358 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top