Season of Creation, binuksan sa pamamagitan ng Walk for creation 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total views

Nakasalalay sa tao ang pag-asa upang mapangalagaan ang inang kalikasan.

Ito ang pagninilay ni Columban Father John Leydon sa banal na Misa para sa Walk for Creation 2022 at pagbubukas ng Season of Creation sa Our Lady of Remedies Parish o Malate Church.

Ayon kay Fr. Leydon, chairperson ng Laudato Si’ Movement Pilipinas, makakamit lamang ang pag-asa kung mangingibabaw ang pagmamalasakit sa kabila ng mga krisis at suliraning nangyayari sa kapaligiran.

Inihalimbawa ng pari ang pagtitipon para sa Walk for Creation na pagkakataon upang panibaguhin ang pag-asa at mahikayat ang marami pang mananampalataya para mapangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“We are gathered to renew our hope in things unseen, and we enter into this period of creation in order to affirm our own selves and our hope. We are here because we do have hope in the face of the pessimistic situation that we are living in,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Leydon.

Ito ang unang beses na muling ginanap nang pisikal ang Walk for Creation kung saan sa nakalipas na dalawang taon ng coronavirus pandemic ay isinagawa ito sa pamamagitan ng online.

Dalangin naman ni Fr. Leydon na ang ginanap na pagtitipon ay mapanibago ang pag-asa at mapalalim pa sa puso ng bawat mananampalataya ang pagmamalasakit at pagmamahal sa inang kalikasan.

“My prayer for this gathering, even though we’re small or fairly small in numbers, is that hope will be renewed and deepened in our hearts because that’s the place, the only place where hope can exist,” ayon sa pari.

Ang Walk for Creation ay unang inilunsad noong September 2017 kasabay ng paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation at pagsisimula ng Season of Creation.

Inisyatibo ito ng Laudato Si’ Movement Pilipinas na kilala dati bilang Global Catholic Climate Movement Pilipinas, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Laudato Si’ Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 29,175 total views

 29,175 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 55,826 total views

 55,826 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 150,884 total views

 150,884 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 172,394 total views

 172,394 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 185,491 total views

 185,491 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top