Gawain ng mga Katekista: Paglilingkod sa kawan at Panginoon-Archbishop Valles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,319 total reads

Tanda ng pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan ang patuloy na paglilingkod ng mga katekista.

Ito ang mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles sa paglunsad ng catechetical month sa arkidiyosesis sa misang ginanap sa San Pedro Cathedral.

Ayon sa dating pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kapuri-puri ang gawain ng mga katekista sa masigasig na pagpapalaganap ng turo ng Panginoon gayundin ang paghuhubog sa mga kabataan.

“Diha sa inyong pagpangalagad daghang mga higayon walay thank you, walay pasalamat. Ayaw pagsalig sa pagdayeg sa mga pari, pagdayeg sa mga obispo. Kung magkulang kami, dili kami ang inyong gi-alagaran. Diha kaninyo makita nato ang Diyos kanunay nag-atiman,” mensahe ni Archbishop Valles.

[Sa inyong paglilingkod maraming beses na walang pasasalamat. Huwag asahan ang papuri mula sa mga pari o obispo. Kung nagkulang man kami [pari], hindi kami ang inyong pinaglilingkuran. Sa inyong paglilingkod nakikita na hindi pinababayaan ng Diyos ang sangkatauhan.]

Una nang pinuri ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga katekista sa masigasig na pagbabahagi ng turo ng simbahan sa mga paaralan upang hubugin ang espiritwalidad ng mamamayan lalo na ang kabataan.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies ng University of Santo Tomas nasa 50-libo ang mga katekista sa buong bansa.

Tema ng catechetical month ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ” bilang paalala sa bawat isa na magbuklod tungo sa misyon ni Kristo.

Itinalaga ng simbahan sa bansa ang Setyembre bilang Catechetical Month bilang pagkilala sa unang Pilipinong martir na santo na si San Lorenzo Ruiz na isang katekista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,096 total reads

 72,096 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,322 total reads

 107,322 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,622 total reads

 142,622 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,891 total reads

 368,891 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,325 total reads

 258,325 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top