‘Stewardship of time,’ panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Iginiit ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Office on Stewardship na mahalagang paglaanan ng panahon ang Panginoon upang higit na mapalapit ang tao.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa isinusulong na programa ng simbahan na ‘spirituality of stewardship’ na layong mabuksan ang kaisipan ng mananampalataya tungo sa pagiging mabuting katiwala ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na kabilang dito ang pagiging katiwala sa panahon, talento at kayamanan na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan at iginiit ang kahalagahan ng pagbibigay panahon para sa Panginoon.

“Ang pinakamahalaga dito ay ang Stewardship of Time. Magbibigay tayo ng panahon para sa Diyos upang madevelop ang ating relationship sa kanya. Hindi tayo nagkakaroon ng relationship sa isang tao o sa Diyos man kung hindi tayo magbibigay ng panahon para sa kanya – na tayo ay magdasal, na tayo ay magbasa ng Bibliya, na tayo ay magsisimba upang lalu siyang makilala,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Paalala ng opisyal na hindi dahilan ang pagiging makasalanan upang lumayo sa Diyos, sapagkat ibinibigay ng Panginoon ang habag at awa sa bawat makasalanang buong pusong nagsisisi.

Nawa’y matutuhan ng bawat isa ayon sa obispo ang pagiging mapagpakumbabang aminin ang pagkakasala at maglaan ng panahon na makipag-ugnayan sa Panginoon.

“Ang ating nakaraan ay hindi hadlang sa pagtanggap sa atin ng Diyos … Ang hindi nagbabago sa Diyos ay ang kanyang habag. Dahil sa kanyang habag makakalapit tayo palagi sa Diyos. Tatanggapin niya tayo,” ani Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,846 total reads

 66,846 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,501 total reads

 102,501 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,801 total reads

 137,801 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,071 total reads

 364,071 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,697 total reads

 253,697 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top