Season of Creation, hamon sa kabataan bilang mga tagapamahala ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 947 total reads

Pagkilala at pagpupuri sa Panginoon ang pangangalaga ng sangnilikha.

Ito ang tagubilin ni Daet, Camarines Norte Bishop Rex Andrew Alarcon sa mga kabataan kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation.

Ayon kay Bishop Alarcon, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth na ang lahat ng nilalang ay kaloob ng Diyos sa bawat isa upang pagyabungin at pangalagaan.

Kaya naman hamon ng Obispo na bilang mga itinuturing na pag-asa ng bayan, dapat matutunan ng mga kabataang pahalagahan ang mga likas na yaman para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

“Mga kabataan, alagaan natin ang mga kaloob na ito, sapagkat sa pagsasagawa nito ay pinaglilingkuran natin ang ating kapwa, ang sarili at tinitiyak natin ang kinabukasan,” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok naman ni Talibon, Bohol Bishop Patrick Daniel Parcon ang mga kabataan na sikaping gawin sa mga tahanan ang 3R- Initiative o ang Reduce, Reuse, at Recycle.

Ayon kay Bishop Parcon na siya ring miyembro ng CBCP-ECY na sa ganitong paraan ay magagampanan ng mga kabataan ang kanilang tungkulin para mapangalagaan at mailigtas ang inang kalikasan mula sa tuluyang pinsala.

Paliwanag pa ng Obispo na kabilang sa mga mahahalagang pagtuunan ay ang wastong pamamahala ng basura upang mapigilan at matugunan ang lumalalang plastic pollution na nagdudulot ng malaking epekto sa mga krisis sa kapaligiran.

“We are in the state of climate emergency and in a very dangerous situation. It’s time to move and do something. Recycle, Reuse, and Reduce are simple things that we can do to save our common home. Onward young protectors of Mother Earth. It’s your future that is at stake.,” ayon kay Bishop Parcon.

Batay sa Children’s Climate Risk Index Report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong August 2021, naitala ang Pilipinas bilang pang-31 sa mga bansang lantad ang mga bata sa mga epekto ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,107 total reads

 63,107 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 99,022 total reads

 99,022 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,322 total reads

 134,322 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,592 total reads

 360,592 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,428 total reads

 250,428 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,579 total reads

 154,579 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top