‘Stewardship of time,’ panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Iginiit ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Office on Stewardship na mahalagang paglaanan ng panahon ang Panginoon upang higit na mapalapit ang tao.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa isinusulong na programa ng simbahan na ‘spirituality of stewardship’ na layong mabuksan ang kaisipan ng mananampalataya tungo sa pagiging mabuting katiwala ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na kabilang dito ang pagiging katiwala sa panahon, talento at kayamanan na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan at iginiit ang kahalagahan ng pagbibigay panahon para sa Panginoon.

“Ang pinakamahalaga dito ay ang Stewardship of Time. Magbibigay tayo ng panahon para sa Diyos upang madevelop ang ating relationship sa kanya. Hindi tayo nagkakaroon ng relationship sa isang tao o sa Diyos man kung hindi tayo magbibigay ng panahon para sa kanya – na tayo ay magdasal, na tayo ay magbasa ng Bibliya, na tayo ay magsisimba upang lalu siyang makilala,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Paalala ng opisyal na hindi dahilan ang pagiging makasalanan upang lumayo sa Diyos, sapagkat ibinibigay ng Panginoon ang habag at awa sa bawat makasalanang buong pusong nagsisisi.

Nawa’y matutuhan ng bawat isa ayon sa obispo ang pagiging mapagpakumbabang aminin ang pagkakasala at maglaan ng panahon na makipag-ugnayan sa Panginoon.

“Ang ating nakaraan ay hindi hadlang sa pagtanggap sa atin ng Diyos … Ang hindi nagbabago sa Diyos ay ang kanyang habag. Dahil sa kanyang habag makakalapit tayo palagi sa Diyos. Tatanggapin niya tayo,” ani Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,383 total reads

 4,383 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 41,763 total reads

 41,763 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,034 total reads

 73,034 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,293 total reads

 150,293 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,298 total reads

 244,298 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top