World day of the poor, pinaghahandaan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 783 total views

Pinaghahandaan ng Archdiocese of Lipa ang nalalapit na paggunita ng World Day of the Poor sa September 23, 2022.

Ayon kay Father Jayson Siapco, Director ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) magkakaroon ng anim na bahagi ang paggunita.

Una sa mga ito ay ang pagtalima ng 65-limang parokya sa Archdiocese of Lipa sa pagdaraos ng Jubilee Mass na sabay-sabay iasasagawa sa mismong araw ng World Day of the Poor.

Susundan ito ng pamamahagi ng bawat Kindness Centers ng LASAC ng mga tulong na pagkain at kagamitan sa mga mahihirap.

“Pero ang maganda dito, no fund will be coming from the Archdiocese or from the ministry on social service ng Archdiocese kasi ang mechanism dito magmumula ang kanilang pondo doon sa mechanism na mayroon na ang tawag ay ‘Malasackit Bazaar,'” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Siapco hinggil sa pagkukunan ng pondo ng mga programa ngayong taon.

Kasabay ito ng pagpapadala sa mga kawani at volunteers ng LASAC sa mga ‘Mission Caravans’ na pupunta sa mga pinakaliblib na kanayunan ng Batangas upang ipaabot ang tulong base sa pangangailangan ng mamamayan.

Maglulunsad din ang Social Arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ng mga Livelihood Programs na tatagal ng 6-buwan hanggang 1-taon hindi lamang tulungan kungdi pati narin bigyan ng kabuhayan ang mga nangangailangan.

Kasunod nito ang paglulunsad ng “Pastoral Guide Books” ng Arkidiyosesis para sa mga social action ministers ng bawat parokya na laman ang mga paksa sa pagtulong sa mahihirap.

“This time ang gusto naming iparamdam the church goes to their home, ang simbahan mismo ang pupunta at ang simbahan ang dadalahin sa kanilang mga tahanan kaya hindi nalang yung tulong kahit mismo yung mga pastoral leaders ng mga parishes, sila mismo ang pupunta sa kanila para mag-conduct ng ibat-ibang services ng simbahan, magkakaroon rin ng libreng kasal, libreng binyag, libren kumpil, firs communion para sa mga bata,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Siapco.

Bilang paggunita rin sa World Day for the Poor, titipunin ng LASAC ang mga COVID-19 Survivors upang alalahanin ang kanilang naging karanasan kasabay ng pananalangin para sa mga kaluluwa ng mga nasawi ng dahil sa pandemya.

Ang World Day of the Poor ay sinimulan gunitain ng simbahang katolika noong 2017 matapos manawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat isa na paigtingin ang pagtulong sa kapwa higit na sa mga pinaknangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,829 total views

 13,829 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 64,513 total views

 64,513 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,642 total views

 70,642 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,284 total views

 100,284 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,523 total views

 118,523 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 6,033 total views

 6,033 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »
Scroll to Top