Panalangin sa kaligtasan ng HCW’s, tiniyak ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa patuloy na pagseserbisyo ng mga Medical Health Care Workers.

Ayon kay Father Dan Cancino M.I – Executive Secretary ng CBCP-ECHC, sa tulong ng mga H-C-W ay malapit ng mapagtagumpayan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pandemya.

“Ang simbahan ay ipagpapatuloy ang panalangin para sa inyo kasama kayo lagi sa panalangin ng mga Kamilyano, ng Episcopal Commission on Health Care, sa pangangalaga ninyo sa mga may karamdaman dalhin ninyo yung pagibig ng Diyos, makita nawa ninyo ang Diyos sa mga may sakit, at makita nawa ng mga may sakit ang Diyos sa mga nangangalagawa ng may sakit,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Cancino

Itinuring din ng Pari ang mga HCW bilang biyaya ng Panginoon sa bayan at simbahan dahil sa kanilang katangi-tangi paglilingkod sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili.

“Salamat, maraming salamat sa patuloy na paglilingkod, maraming salamat sa patuloy na pag-aalay ng buhay at pagpapakita ng walang hanggang pagibig ng Diyos lalung-lalu na sa naghahanap nito, yung mga taong may sakit,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Cancino.

Upang makapamuhay ng may dignidad, nanawagan sa pamahalaan si May Parsons – George Cross Awardee at United Kingdom-based Nurse na itaas ang suweldo ng mga HCW.

Naunang kinatigan ng Philippine Nurses Association (PNA) ang panawagan ni Parsons na bigyan pansin ang mga nurse sa pribadong sektor na tumatanggap ng mas mababang suweldo kumpara sa mga nasa pampublikong ospital.(JM)

Batay sa talaan ng Department of Labor and Employment, umaabot lamang sa 13-libong piso ang entry level na suweldo ng mga nurse sa mga pampublikong ospital habang nasa 10-libong piso naman ang entry level ng mga nurse sa mga pribadong pagamutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 48,147 total reads

 48,147 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 96,018 total reads

 96,018 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 199,966 total reads

 199,966 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 286,080 total reads

 286,080 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 353,893 total reads

 353,893 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top