Bishop Pabillo, nagbabala sa patuloy na paglubog ng lupa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 714 total reads

Naniniwala si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na totoong nararanasan na sa bansa ang pagtaas ng antas ng tubig dahil sa patuloy na pagbabago ng klima.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship na ang epekto ng global warming dahil sa iba’t ibang gawain ng tao ang pangunahing dahilan ng unti-unting paglubog ng mga lugar.

Paliwanag ng Obispo na napatunayan na ito ng mga eksperto ngunit magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga gawaing nakapipinsala sa kalikasan at nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga tao.

“Matagal nang sinabi ng mga scientist na isang epekto ng global warming ay ang pagtaas ng sea level. Lalong lalo na kung tumaas pa ito ng isang metro ay talagang maraming maaapektuhan,” pahayag ni Bishop Pabillo ng Radio Veritas.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatlong beses nang mas mabilis ang pagtaas ng sea level sa bansa kumpara sa global average.

Itinuturing ito ng mga siyentipiko na sanhi ng pag-init ng temperatura ng daigdig na tumutunaw sa mga polar ice cap na dahilan ng paglawak ng mga karagatan.

Muli namang hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mamamayan na baguhin ang mga nakasanayang pamumuhay at isulong ang sapat-lifestyle upang makatulong na maiwasan ang mga nangyayaring pinsala sa kapaligiran.

Iginiit ng Obispo na tungkulin ng mga tao na pangalagaan ang inang kalikasan upang maipakita ang pagiging mabuting katiwala ng mga nilikha ng Diyos.

“Ito ay panawagan sa atin na seryosohin natin itong pagbabago ng ating lifestyle o pagkakaroon ng ecological conversion para hindi tayo maka-contribute sa pagtaas ng global warming,” saad ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,199 total reads

 84,199 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,370 total reads

 118,370 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,670 total reads

 153,670 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,939 total reads

 379,939 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,876 total reads

 268,876 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,328 total reads

 155,328 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top