Pagtutulungan, hiling ni Cardinal Advincula sa pananalasa ng bagyong Paeng

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,209 total reads

Sa patuloy na pananalasa ng bagyong Paeng sa malaking bahagi ng bansa, hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

Hiling din ng Cardinal ang pagtutulungan ng lahat sa mga biktima ng bagyo lalo na sa mga lugar na higit na napinsala.

Muli ring dumudulog at pinaalalahanan ng pastol ng Maynila ang pagkukulang ng bawat isa sa pangagalaga sa kalikasan na dahilan ng mas matinding pinsala ng mga bagyo sa kapaligiran, ari-arian at buhay ng mga tao.

“Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Kaydami naming pagkukulang bilang katiwala ng sangnilikha. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hiling ng arsobispo ang kapatawaran sa pagkakasala ng bawat isa at muling pagsusumamo na iligtas ang mamamayan mula sab anta ng kalamidad.

Panalangin pa ni Cardinal Advincula, “Lumalapit kami sa Iyo, mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Hinihiling naming na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa banta ng mga kalamidad.”

“Ingatan nawa kayo at ang inyong mga mahal sa buhay ng ating Panginoon. Yakapin nawa tayong lahat ng maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria. Damayan at pagmalakasakitan po natin ang bawat isa,” bahagi pa ng panalangin ng arsobispo ng Maynila.

Sa kasalukuyan ay higit na sa 70 ang naitalalang nasawi sa lalawigan ng Cotabato makaraang manalasa Biyernes ng gabi sa bahagi ng Mindanao, Bicol at Quezon ang bagyo.

Bagama’t hindi pa nakakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Paeng, isa pang sama ng panahon ang posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa bago matapos ang buwan ng Oktubre, ayon sa Pagasa.

Ang bagyong Paeng ang ika-16 na bagyo na pumasok sa Pilipinas mula sa higit 20-bagyo na inaasahan kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,275 total reads

 57,275 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 93,545 total reads

 93,545 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 128,844 total reads

 128,844 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,115 total reads

 355,115 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,334 total reads

 245,334 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 11,016 total reads

 11,016 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top