75-taong pagkatatag ng Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,040 total views

Umaasa ang pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer de Mamatid na magdulot ng malalim na pananampalataya ang pagdiriwang ng anibersaryo ng simbahan.

Ayon kay Fr. Gomer Torres, Rector at Parish Priest ng dambana, sinisikap nitong isabuhay ang layunin ng patron na ipadama ang diwa ng pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.

Aniya, nawa’y paigtingin ng mananampalataya ang pagnanais na mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng mga halimbawang ipinamamalas ni San Vicente Ferrer.

“Ang hamon ko lang sa mga parishioners ay mas palalimin pa rin ang kanilang pananampalataya, pagkilala at debosyon kay San Vicente Ferrer; ang talagang layunin naman ni San Vicente Ferrer ay hindi lamang iparamdam ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao kundi akayin ang mga tao na magmahal din sa Diyos,” pahayag ni Fr. Torres sa panayam ng Radio Veritas.

Nitong October 28 ay ipinagdiwang ng dambana ang ika – 75 anibersaryo ng pagkakatatag kung saan pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misa pasasalamat.

Kasabay ng pagdiriwang ang opisyal na pagsara ng Jubilee Door ng parokya kung saan ayon kay Cardinal Advincula ay hudyat upang muling pag-alabin ng bawat isa ang sigasig ng paglilingkod.

“Ang pagsasara ng Jubilee Door ngayon ay hindi sumisimbolo ng pagwawakas ng pagdiriwang ng pagbibiyaya ng Diyos o ng ating misyon bagkus hinuhudyat nito ang pananabik sa muling pagbubukas sa susunod na hubileyo at ang angkop na pag-aantabay dito sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa,” ani Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi ni Fr. Torres bagamat isinara ang Jubilee Door ng dambana ay mananatiling makatatanggap ng indulhensya ang mga dadalaw sa pandiyosesanong dambana ni San Vicente.

Binasbasan din sa pagdiriwang ang Garden of Peace ng parokya kung saan ilalagak ang urn ng abo ng mga yumaong kaanak.

Bukod kay Cardinal Advincula at Fr. Torres, dumalo rin sa pagtitipon si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, mga bisitang pari at daan-daang deboto ni San Vicente Ferrer.

Inaanyayahan ni Fr. Torres ang mananampalataya na dumalaw sa dambana at makiisa sa devotional masses tuwing Biyernes sa alas singko ng hapon at alas siyete ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 84,800 total views

 84,800 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 128,408 total views

 128,408 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 210,748 total views

 210,748 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 221,370 total views

 221,370 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top