Tutukan ang kahirapan at iwaksi ang digmaan-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,631 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan na iwaksi ang digmaan at karahasan sa halip ay paigtingin ang paglaban sa kahirapan sa buong daigdig.

Ito ang pahayag ni Pope Francis sa kanyang pagdating sa Kingdom of Bahrain nitong November 3, 2022.

Ayon sa punong pastol ng simbahang katolika, dapat bigyang prayoridad ng bawat pamahalaan ang programang makatutugon sa pangunahing pangangailangan ng nasasakupan.

“Let us reject the logic of weapons and change course, diverting enormous military expenditures to investments in combating hunger and the lack of healthcare and education.” pahayag ni Pope Francis.

Ikinalungkot ni Pope Francis na tila nakakalimutan ng tao ang tunay na tungkulin sa mundo na palaguin at pahalagahan ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.

Naniniwala ang Santo Papa na ang digmaan ay nagdudulot ng pagkasira ng lipunan gayundin sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“War brings out the worst in man: selfishness, violence and dishonesty. For war, every war, brings in its wake the death of truth.” giit ng santo papa.

Tinukoy ni Pope Francis ang walong taong digmaan sa Yemen sa Arabian Peninsula na labis ang pinsalang idinulot sa mamamayan kung saan halos limang milyong katao na ang lumikas para sa kaligtasan.

Bukod pa rito ang lumalalang suliranin ng kagutuman, cholera outbreaks, kakulangan ng suplay ng gamot, at labis na kahirapan.

Hiling ng Santo Papa sa mamamayan lalo na sa Bahrain na makiisa sa panawagang wakasan ang digmaan sa iba’t ibang panig ng daigdig lalo na sa Arabian Peninsula sa halip ay higit na isulong ang pagbubuklod upang matamo ang kapayapaan.

“I beg: Let there be an end to the clash of weapons! Let there be an end to the clash of weapons! Let there be an end to the clash of weapons! Let us be committed, everywhere and concretely, to building peace!” giit ni Pope Francis.

Kasalukuyang nasa Bahrain ang Santo Papa hanggang November 6 para sa kanyang ika – 39 na Apostolic Visit at ang kauna-unahang lider ng simbahang katolika na bumisita sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 59,079 total reads

 59,079 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 95,248 total reads

 95,248 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 130,547 total reads

 130,547 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 356,818 total reads

 356,818 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 246,938 total reads

 246,938 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top