Magdudulot ng pag-asa ang Peace agreement sa Ethiopia-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,078 total reads

Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na pag-asa ang hatid ng nilagdaang peace agreement sa Ethiopia.

Hinimok ni Pope Francis ang bawat isa na isabuhay ang nilalaman ng kasunduan upang matamo ng mamamayan sa bansa ang pangmatagalang kapayapaan.

Umaasa ang Santo Papa na higit na ma-protektahan ang buhay ng mamamayan at maisulong ang dignidad ng bawat tao lalo’t labis ang epekto ng civil war sa Ethiopia sa pamayanan.

“The agreement that was signed and which concerns the situation in Ethiopia represents hope. I encourage everyone to support this commitment for a lasting peace, so that, with the help of God, those involved may continue to journey on the paths of dialogue and that the population may soon find once more a peaceful and dignified life,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Matatandaang November 2, 2022 nang lagdaan ng pamahalaan ng Ehtiopia at Tigray forces ang peace agreement para sa kapayapaan lalo na sa northern region ng bansa.

Ayon kay Ethiopian Cardinal Berhaneyesus Demerew Souraphiel, nawa’y magdulot ng pagbubuklod ng magkabilang panig ang kasunduan at maisabuhay ang pagpapatawad at pagkakasundo sa mga naghahasik ng kasamaan.

Napapaloob sa kasunduan ang permanent cease-fire, laying of land mines, pagpapatigil sa pagpapasabog at airstrikes sa iba’t ibang lugar sa Ethiopia.

Gayundin ang pagkakaloob ng pamahalaan ng humanitarian aid sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo at ahensya sa bansa.

Nag-ugat ang karahasan sa halalan noong 2020 kung saan hindi kinilala ang pagkapanalo ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF).

Tinatayang nasa kalahating milyong katao ang nasawi sa loob ng dalawang taong civil war sa Ethiopia habang nasa limang milyong indibidwal naman ang nagsilikas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 23,013 total reads

 23,013 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 124,277 total reads

 124,277 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 194,453 total reads

 194,453 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 280,950 total reads

 280,950 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 322,279 total reads

 322,279 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top