Pagyamanin ang sarili na templo ng panginoon, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 861 total views

Pinaalalahanan ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas ang mananampalataya na pagyamanin ang sarili bilang templo ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagtalaga ng dambana ng Holy Family Parish sa Gulod Novaliches, Quezon City noong November 5, 2022.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang tunay na simbahan ay ang mananampalatayang nagbubuklod sa pananalangin at pagpupuri sa Panginoon.

“This place that we are gathered here in the Holy Family Parish, this a house, this is a building, we call it a church but what this word church originally referred to? The original meaning and foundation of the Church? It is us, you and I, the temples of God. You and I as baptized Christian is the temple of God,” pahayag ni Archbishop Brown.

Apela ng nuncio sa nasasakupang parokya na patuloy magbuklod bilang pamayanan upang higit na lumago ang pananampalataya at ang simbahan na katuwang ni Hesus sa misyong palaganapin ang Salita ng Diyos sa buong komunidad.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagtalaga ng dambana kasabay ng pagdiriwang sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag ng parokya.

Kasama ng nuncio si Novaliches Bishop Roberto Gaa, mga bisitang pari at kinatawan ng Piarist Fathers – Province of Asia Pacific sa pangunguna ni Fr. Miguel Artola, Sch.P.

Kasalukuyang pinangangasiwaan ni Piarist Fr. Wilmer Samillano ang parokya na sa pagsusumikap at pagtutulungan ng parishioners ay natapos ang pagpapagawa ng simbahan.

Pinasalamatan ni Fr. Samillano ang lahat ng nakiisa at tumulong na maisaayos ang simbahan gayundin ang mga paring naunang naglingkod sa parokya.

Naitatag ang Holy Family Parish noong 1997 sa ilalim ng Archdiocese of Manila na unang pinamahalaan ni Fr. Jose Joel Jason na sinundan ni Fr. Rico Garcia, Fr. Aldrin Lopez, Fr. Jaime Lara, Fr. Alfredo Maglangit, Sch.P., at Fr. Dennis Descallar, Sch.P.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,842 total views

 13,842 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 64,526 total views

 64,526 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,655 total views

 70,655 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,297 total views

 100,297 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,535 total views

 118,535 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top