The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Memorial of St. Andrew Dung-Lac & Companion Martyrs, 24 November 2022
Revelation 18:1-2, 21-23; 19:1-3, 9 ><}}}*> + ><}}}*> + ><}}}*> Luke 21:20-28
As we get closer to the end
of this liturgical year,
we get more excited with
Advent and Christmas;
please help us, Lord Jesus,
to see more at the moment
the meaning of the end of this
calendar, the end of time,
the end of everything that would
be renewed in you.
Many of us are so blessed
with family and friends,
jobs and education
that after two years.
we are looking forward
to a face-to-face
Christmas;
but, keep us aware
and conscious of the many others,
definitely more than most of us
who have lost so much these
past years of the pandemic;
many have lost loved ones,
until now have not moved on yet
with their lives, grieving in pain
made worst with other losses like
jobs, careers, business and livelihood;
many are still facing so many forms
of sufferings and trials in life
as individuals and communities;
we pray for them, Lord Jesus.
But when these signs begin to happen, stand erect and raise your heads because your redemption is at hand.
Luke 21:28
Help us, Lord,
in our lives to witness
the strength and courage
in you to forge on in life's many trials
and difficulties so that those deep
in trouble may be encouraged to believe
and trust more in you;
more than our words of encouragement,
help us to show in our actions
and commitment to others
that always in this life,
God and good have the final say.
Amen.
Nanindigan ang Caritas Philippines na nararapat lamang na makamit ng mga Pilipino ang isang bansang may pananagutan sa pamamahala, makatarungang ekonomiya, paggalang sa karapatang pantao at pangangalaga sa kalikasan.
Ito ang tugon ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, bagama’t kinikilala ng Simbahan ang mga inilatag na programa ng administrasyon para sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, tsuper at mahihirap na pamilya, hindi sapat ang panandaliang ayuda kung hindi matutugunan ang ugat ng kahirapan at kawalang-katarungan.
“The Filipino people deserve more and better. They deserve reforms that confront poverty, inequality, corruption, ecological destruction and repression. They deserve an economy that serves the common good, an energy system that protects people and creation, public institutions worthy of trust, and a democracy where no one is punished for demanding justice. They deserve not merely to survive, but to live with dignity, freedom, peace and hope,” ayon kay Bishop Alminaza.
Binigyang-diin ng obispo na kailangang maging ganap ang pananagutan sa usapin ng katiwalian, lalo na sa mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga proyekto sa flood control. “Everyone credibly found responsible must be held accountable in accordance with due process, regardless of family name, party or position. Every peso stolen from the people must be recovered,” ani Bishop Alminaza.
Iginiit ng obispo na hindi dapat hanggang sa mga mababang opisyal lamang ang pananagutan kundi maging sa mga nagpahintulot at nakinabang sa malawalang katiwalian. “Accountability cannot stop with those who carried out the schemes. It must also reach those who allowed them to continue and benefited from them,” dagdag pa ng pangulo ng Caritas Philippines.
Ipinahayag din ng Caritas Philippines ang pagkabahala sa kakulangan ng agarang pagtugon ng pamahalaan sa lumalalang epekto ng climate change.
Nanindigan si Bishop Alminaza, na ang pagpapahalaga sa kalikasan ang pinakamabisa at makatarungang daan ng pag-unlad sa halip na sirain para sa kaunlaran.
Iginiit din ng obispo na hindi sapat ang pagpapalawig ng Malampaya gas project upang mapababa ang halaga ng kuryente sa bansa.
Mariin ding tinututulan ng Caritas Philippines ang pagbabalik sa nuclear power, patuloy na pagpapalawak ng fossil gas at mapanirang pagmimina. “The proposed return to nuclear power, continued fossil gas expansion and destructive mining do not lead toward a just energy future,” babala ni Bishop Alminaza.
Gayundin ang isinusulong na Pax Silica Industrial Hub sa Capas, Tarlac sa kasalukuyang anyo nito dahil sa pangambang malabag ang karapatan ng mga Aeta, magsasaka at iba pang komunidad.
“Capas is not vacant land waiting to be offered to foreign investors. It is home to Aeta communities, farmers and families whose rights, livelihoods and resources must come before corporate and geopolitical interests,” ayon sa obispo.
Binigyang-diin din nito na ang tunay na industriyalisasyon ay dapat magsulong ng pambansang pag-unlad na nakabatay sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan at pambansang soberanya.
Nababahala din ang Caritas Philippines sa patuloy na red-tagging, pananakot at mga pag-atake laban sa mga mamamahayag, human rights defenders, mga social action worker ng Simbahan at mga aktibista.
Panawagan nitong matiyak ang malayang imbestigasyon sa mga kaso ng pamamaslang at matugunan ang usapin ng mga political prisoner. “National security cannot justify fabricated evidence, illegal detention or the criminalization of humanitarian and community work. Security and human rights are not opposing goals—a just society requires both,” giit ni Bishop Alminaza.
Nagbabala rin ang Caritas Philippines sa mga panukalang batas laban sa fake news na maaaring gamitin upang patahimikin ang mga mamamahayag at kritiko ng pamahalaan.
“Disinformation is a serious problem, but the answer cannot be a law used against journalists, critics and ordinary citizens,” pahayag ni Bishop Alminaza.
Iginiit ng pangulo ng Caritas Philippines na ang tunay na kalagayan ng bansa ay hindi dapat masukat sa laki ng imprastraktura o paglago ng ekonomiya lamang.
“The true state of the nation will not ultimately be measured by the length of highways, the height of buildings, or the growth of GDP, but by whether every Filipino can live with dignity, participate in shaping our common future, and pass on to the next generation a nation that is more just, more compassionate, more peaceful, and more faithful to God’s creation,” ayon kay Bishop Alminaza
Hinikayat ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga chaplain at mga kasapi ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) na patuloy na isabuhay ang diwa ng paglilingkod kay Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
Ito ang apela ng nuncio sa paglulunsad ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng pagiging Military Ordinariate ng institusyon.
Sa kaniyang homiliya sa banal na misa para sa Kapistahan ni San Ignacio de Loyola sa St. Ignatius Cathedral sa Camp General Emilio Aguinaldo, sinabi ng kinatawan ng Santo Papa na ang ministeryo ng Military Ordinariate ay hindi para sa pansariling kapakanan kundi para sa tapat na paglilingkod sa kapwa.
“We should always ask ourselves: Whom are we serving? Jesus says in the Gospel: ‘Unless you renounce your possessions, you cannot be my disciple.’ That means we cannot serve ourselves. We should not be serving ourselves. We should be serving others and seeing Christ in others,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Brown.
Ipinaliwanag ng nuncio na ang bokasyon ng isang military chaplain ay nakaugat sa halimbawa ni San Martin of Tours, ang sundalong naging banal na nagbahagi ng kaniyang balabal sa isang dukha, isang pangyayaring pinagmulan ng salitang “chaplain.”
Ayon kay Archbishop Brown, ang tunay na paglilingkod ng mga chaplain ay ang pagkilala sa presensya ni Kristo sa bawat taong kanilang pinaglilingkuran.
“That is what it means to serve as a chaplain: to have eyes that distinguish, that discern, the presence of Jesus in others. When we serve others as chaplains, we are serving Christ,” aniya.
Binigyang-pugay rin ni Archbishop Brown ang apat na dekadang paglilingkod ng mga pari ng Military Ordinariate sa iba’t ibang sangay ng uniformed services sa bansa.
“Today we say a heartfelt thank you to God for all the chaplains in these different armed services and uniformed services in the Philippines who have served so selflessly and so beautifully over these past 40 years,” ayon pa kay Archbishop Brown.
Samantala, sa panayam ng Radio Veritas kay Msgr. John Brillantes, tagapagsalita ng military ordinariate, sinabi nitong ang misyon ng MOP ay higit pa sa pagbibigay ng mga sakramento dahil nakatuon din ito sa paghubog ng moralidad at pananampalataya ng mga kawal at kanilang mga pamilya.
“Our mission is truly extensive. More specifically, it is to provide for the spiritual and moral welfare of our soldiers and our uniformed men and women,” ayon kay Msgr. Brillantes.
Ipinaliwanag ng pari na sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 180 aktibong pari ang military ordinariate, kung saan 122 sa mga ito ay sariling hinubog at inordenahan ng MOP matapos nitong magkaroon ng sariling seminaryo kasunod ng pagiging ganap na ordinariate noong 1986.
Bukod sa pagdiriwang ng misa at pagbibigay ng mga sakramento, nagsisilbi rin ang mga military chaplain bilang spiritual advisers’ ng mga commander, tagapag-ugnay sa pagitan ng militar at sibilyan, mga guro sa mga military academy, at maging bahagi ng negotiation teams sa panahon ng mga krisis at iba pang emergency situations.
Ibinahagi rin ni Msgr. Brillantes na isinasabuhay na ng military ordinariate ang panawagan ni Pope Francis sa synodality sa pamamagitan ng pakikinig at paglalakbay kasama ng mga sundalo at kanilang mga pamilya.
“We emphasize the need to listen to our people and to walk with them. You listen to the soldiers, you listen to their families, and from there, we are able to discern how we can better respond to their needs,” paliwanag pa ni Msgr. Brillantes.
Apela ng pari sa publiko na ipanalangin ang mga uniformed personnel, lalo na ang mga nakatalaga sa mga frontline areas.
“Please pray for our uniformed men and women. Especially those at the front line, it is difficult to be a soldier. We enjoy the freedom and security of our nation because of the sacrifices of these brave men and women. They leave their homes and families to serve on the front lines, allowing the rest of us to live comfortably and securely,” dagdag ng pari.
Ayon kay Msgr. Brillante, kabilang sa mga dapat ipanalangin ang mga sundalong nakatalaga sa Pag-asa Island, Batanes, gayundin ang mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.
Ang paglulunsad ng ika-40 anibersaryo ng Military Ordinariate of the Philippines ay hudyat ng isang taong paggunita sa apat na dekadang paglilingkod ng Simbahan sa espirituwal at moral na pangangailangan ng mga kalalakihan at kababaihan ng mga uniformed services na nangangalaga sa kalayaan, seguridad, at kapayapaan ng bansa.
Kasabay ng pagdiriwang ay pinangunahan nina Archbishop Brown katuwang si Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagsasapubliko ng pananda sa apat na dekadang paglilingkod ng MOP kung saan pinahintulutan din ng Vatican ang pagkakaloob ng plenary indulgence sa mga mananampalatayang dadalaw sa mga itinalagang jubilee churches ng MOP alinsunod sa mga kondisyon ng pagtanggap ng indulhensya.
Ang Military Ordinariate of the Philippines ay itinatag bilang Military Vicariate noong 1950 sa panahon ni Pope Pius XII at itinaas bilang Military Ordinariate, o katumbas ng isang diyosesis, noong July 21, 1986 sa pamamagitan ng Apostolic Constitution na
Spirituali Militum Curae ni St. John Paul II upang higit pang mapalawak ang pastoral na pangangalaga sa mga miyembro ng Armed Forces at iba pang uniformed services.
Reyn Letran - Ibañez
Friday, July 31, 2026 2:28 pm
15,990 total views
Nilinaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang tunay na usapin sa proyekto ng Pax Silica ay hindi lamang kung makatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya o teknolohiya, kundi kung paano nito mapapakinabangan ang sambayanang Pilipino at mapangangalagaan ang dignidad ng tao.
Sa kanyang pahayag sa personal na Facebook page na may titulong “What’s the Real Issue with Pax Silica?”, sinabi ng Cardinal na likas lamang sa bawat bansa na isulong ang sariling pambansang interes, tulad ng ginagawa ng Estados Unidos at China sa larangan ng artificial intelligence, semiconductors, at iba pang makabagong teknolohiya.
Gayunman, binigyang-diin ni Cardinal David na ang mahalagang tanong para sa Pilipinas ay kung tunay bang makatutulong ang Pax Silica sa pagpapalakas ng kakayahang pang-agham, inobasyong teknolohikal, at industriyal na katatagan ng bansa, o kung magsisilbi lamang ito sa interes ng ibang bansa habang ang Pilipinas ang maglalaan ng lupa, likas na yaman, tubig, enerhiya, insentibong pangbuwis, at lakas-paggawa.
“These are legitimate questions—not because we oppose foreign investment, but because genuine partnership should strengthen the nation that hosts it,” Ayon kay Cardinal David.
Dahil dito, nanawagan ang Cardinal ng higit na transparency, makabuluhang partisipasyon ng mga Pilipinong siyentipiko at industriya, wastong pangangalaga sa kalikasan, at malinaw na programa para sa technology transfer upang umangat ang bansa sa value chain at hindi manatiling tagapagluwas lamang ng raw materials at murang lakas-paggawa.
Binigyang-diin din ni Cardinal David na higit pa sa usaping pang-ekonomiya ang dapat isaalang-alang sa pag-unlad ng artificial intelligence, kung saan ayon sa Cardinal nasasaad sa Magnifica Humanitas ang pagpapaalala ni Pope Leo XIV na ang mahalagang tanong ay hindi kung ano ang kayang gawin ng artificial intelligence, kundi kung anong uri ng tao ang hinuhubog nito.
” In Magnifica Humanitas, Pope Leo XIV reminds us that the decisive issue is not what artificial intelligence can do, but what kind of human beings we are becoming. Technology must remain the servant of humanity, never its master.” Dagdag pa ni Cardinal David.
Tinukoy rin ng Cardinal ang katuruan ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na hindi dapat nakabatay lamang sa kompetisyon ng mga pambansang interes ang kinabukasan ng sangkatauhan, sapagkat ang ganitong pananaw ay madalas humahantong sa hidwaan at digmaan.
Ayon kay Cardinal David, bilang isang pandaigdigang pamayanan ng pananampalataya, patuloy na isinusulong ng Simbahang Katolika ang pananaw na ang mga pambansang interes ay dapat magsilbi sa kabutihang panlahat ng buong sambayanan.
Sa huli, sinabi ng Cardinal na ang tunay na sukatan ng Pax Silica ay hindi kung gaano nito mapalalakas ang ekonomiya o artificial intelligence, kundi kung makatutulong itong maitaguyod ang isang lipunang nakabatay sa dignidad ng tao, pagkakapatiran, pangangalaga sa kalikasan, at kapayapaan.
Paliwanag ni Cardinal David, “The real question is whether it will help build what Pope Leo calls a civilization of love rather than a culture of power—a future in which technological progress serves human dignity, social fraternity, care for our common home, and peace among nations.”
113,173 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50
152,480 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan
184,118 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte
299,455 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa
322,196 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS