Huwag ituring na salapi ang mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total views

Iwaksi ang pagtingin sa mga Overseas Filipino Workers bilang salapi o pagkakaperahan.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tumaas sa 6.7 porsiyento ang dollar remittances na katumbas ng $2.38 bilyong dolyar sa nakalipas na Setyembre 2016.

Iginiit ni Archbishop Arguelles na hindi makatao ang ganitong turing ng pamahalaan sa mga OFWs na katumbas na lamang ng numero at wala ring matinong programa ang gobyerno sa kanilang security at pamilyang naiwan kahit na napakalaki ng dollar remittances na ipinapasok sa bansa.

“Ang tingin natin sa mga OFWs dolyar, hindi maganda, inhuman iyon. Our OFWs are open to maltreatment dahil maltreated sila sa ibang bansa. Ang tingin natin sa mga OFW ay slave, ini – enslave na sila dun, ini – enslave pa sila dito. Pera ng pera, remittances ng remittances, saan ba ginagamit iyan. Hindi naman nakakatulong iyan sa pamilya ng OFW, sana’y pinagbubuti iyon,” pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaugnay nito, hinimok ng Arsobispo ang gobyernong Duterte na bigyan ng agarang tulong ang mga undocumented immigrants sa Estados Unidos dahil sa paghihigpit na isasagawa ng bagong pangulo ng Amerika.

“Alam naman ng mga undocumented na mapanganib yung kanilang buhay dahil sa palusot – lusot. Sana ang maging solusyon ay gawing documented sila. Iyon din isang insulto rin na sinasabi ng mga Amerikano hindi naman nila tayo kailangan kundi tayo ang nangangailangan sa kanila. We confirmed na tayo ang nangangailangan sa kanila, actually they make us,” giit pa ni Archbishop Arguelle sa Radyo Veritas.

Sa tala ng Philippine Statistical Authority (PSA), ang bilang ng mga OFWs ay umaabot na 15 milyon sa buong mundo.

Karamihan sa kanila ay mula sa CALABARZON, Central Luzon at National Capital Region.

Nabatid rin na noong 2012, umabot sa Php165.5 billion ang naipadalang remittances ng mga OFWS.

Iginigiit ni St. Pope John Paul II sa World Migration Day noong 2000 na mapakinggan nawa ang hinaing ng mga migrante sa buong mundo at matugunan ng pamahalaan ang kanilang pangangailangan at maipagtanggol ang kanilang dignidad at karapatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 42,857 total views

 42,857 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 67,173 total views

 67,173 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 102,963 total views

 102,963 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 143,828 total views

 143,828 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 194,171 total views

 194,171 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 16,791 total views

 16,791 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 234,327 total views

 234,327 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top