CBCP-ECHC, nakiisa sa World AIDS day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,843 total reads

Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care sa paggunita sa World AIDS Day.

Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio na ang usapin ng human immunodeficiency virus/acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS) ay malaking suliranin sa komisyon dahil sa kakulangan ng kaalaman ng publiko sa sakit.

Sinabi ni Bishop Florencio na sinisikap ng komisyon na makapagbahagi ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa HIV/AIDS upang lubos na matulungan ang mga taong mayroon nito.

“Malaking problema namin ito dahil sa kakulangan ng information na ipinapalaganap namin na ‘yung mayroong sakit na AIDS ay dapat humingi na rin ng proper intervention. Kung titingnan talaga natin na para tayo po ay mapanatag sa mga bagay na ito, dapat makinig at makipag-cooperate tayo.” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag naman ni Bishop Florencio na ang HIV/AIDS bagamat maituturing na malalang karamdaman ay hindi nangangahulugan na wala nang pag-asa o katapusan na ng buhay.

Iginiit ng Obispo na maaari itong malunasan kapag binigyan ng sapat na atensyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa eksperto at pagsisikap na mapangalagaan nang maayos ang kalusugan.

Tiniyak naman ni Bishop Florencio na ang mga mayroong HIV/AIDS ay hindi isasantabi ng simbahan, sa halip ay kasamang aakayin at kakalingain tungo sa isang simbahang sinodal.

“Be assured that even if you are suffering from these HIV/AIDS o iba pang nakakatakot na sakit, hindi po ibig sabihin na isasantabi kayo. Kasama po kayo dito sa simbahan na ito, inaalagaan kayo at ipinagdarasal kayo dahil kasama kayo sa paglalakbay ng synodal church.” saad ni Bishop Florencio.

Tema ng World AIDS Day ngayong taon ang “Equalize”, at karaniwang ginugunita tuwing unang araw ng Disyembre upang ipalaganap ang kamalayan ng publiko hinggil sa sakit na AIDS, at maiwasan ang diskriminasyon sa mga taong mayroon nito.

Batay sa September 2022 report ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines, naitala ang 1,347 kumpirmadong kaso ng HIV sa bansa.

Sa bilang, 96-porsyento ng nagpositibo sa sakit ay mga lalaki habang ang nalalabing bilang naman ay mga babae, na karaniwang nasa pagitan ng dalawa hanggang 71 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 181,480 total reads

 181,480 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,510 total reads

 252,510 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,958 total reads

 285,958 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 321,257 total reads

 321,257 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 540,529 total reads

 540,529 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,909 total reads

 160,909 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top