Marcos, hindi bayani-DSWD head

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 451 total reads

Hindi itinuturing na bayani ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang inihayag ng kalihim kasunod ng paglilibing sa dating Pangulo at diktador na si Marcos sa libingan ng mga bayani kaninang tanghali.

Ayon sa kalihim, mayroon siyang personal na dahilan kung bakit kailan man ay hindi nito matatanggap na naihimlay sa libingan ng mga bayani ang dating pangulo.

Dagdag pa nito may mga kaibigan siyang nakaranas ng torture sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

“Marami akong kaibigan, kakilala, mga nanay at tatay nila na namatay, pinatay sa panahon ng diktadura, yun ang aking kontexto. Kaya nung May 31 na i-appoint ako ni President Duterte bilang Secretary, sinabi ko personally hindi talaga, and I think the president knows that where I stand personally, yun ang tindig ko hindi ko sya tinuturing na bayani.” Pahayag ni Secretary Taguiwalo.

Alas dose ng tanghali ng Nobyembre 18, 2016, naihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Isinagawa ang pribado, payak at lihim na seremonya bilang tugon sa kahilingan ng pamilyang Marcos.

Gayunman, marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang hinanakit at galit dahil sa pagkakalibing ng diktador kasama ang 49, 000 mga sundalo at war veterans sa Libingan ng mga Bayani.

Una ng inihayag ni dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop Oscar Cruz na ang isang yumao ay dapat inililibing ang katawang lupa para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 60,217 total reads

 60,217 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 146,713 total reads

 146,713 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 189,750 total reads

 189,750 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 239,509 total reads

 239,509 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 397,802 total reads

 397,802 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,318 total reads

 23,318 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,963 total reads

 52,963 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,807 total reads

 45,807 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top