Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total views

Kapanalig, abot kaya ba ang pabahay sa ating bansa?

Marami sa ating mga Pilipino ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay. Kaya nga lamang, ang pangarap na ito ay tila masyadong matayog; patuloy kasing tumataas ang presyo ng lupa at pabahay sa ating bansa.

Sa Metro Manila lamang, tinatayang 25% ng ga residente ay mga informal settlers, o sa salitang kalye, mga squatters. Mahal ng lupa sa mega city na ito, at habang lumilipas ang panahon, lalo pang tumataas, papalayo sa kamay ng maramng residente. Maliban sa mga informal settlers, tinatayang libo libo rin ang mga street people, o yaong sa kalye lamang nakatira.

Ano nga ba, kapanalig, ang solusyon sa tila pabalik balik at lumalaking problema ng pabahay sa bansa?

Ayon sa maraming mga informal settlers, hindi nagiging praktikal ang mga resettlement plans at sites ng pamahalaan dahil malayo ito sa trabaho. Wala silang choice kundi bumalik dahil gutom lamang ang inaabot nila doon. Para makarating sa trabaho, gagastos pa sila ng mas malaki, kaya tila walang kwenta rin ang kanilang paglipat. May bahay nga sila, wala naming laman ang kanilang mga sikmura.

Isa rin sa mga rason kung bakit maraming mga relocates ang bumabalik sa kanilang mga informal settlements o sa kalye sa Metro Manila ay dahil sa kalayuan din sa ilan pang mga batayang serbisyo gaya ng paaralan at mga health centers o hospital. Ang mga buntis ay natatakot maabutan ng kabuwanan sa mga relocation sites dahil kay hirap ng transportasyon. Ang mga paaralan ay malayo, o di kaya masikip. Ang tubig o sanitasyon ay kulang din, pati ang kuryente. Kay hirap  nga naman magbayad sa mga serbisyong ito kung laging walang pera, dahil sa layo ng kabuhayan sa mga relocation sites.

Kapanalig, kailangan na ng bagong approach sa pabahay sa bansa. Kailangan na rin ng agresibong aksyon bago pa dumami ang bilang ng mga homeless sa atin. Kailangan ng agarang kilos bago lumalala ang problema.

Ang housing at homelessness ay mga isyung importante sa ating lipunan, Hindi lamang ito “shelter” o proteksyon, ito ay kaakibat ng ating dignidad. Pagnilayan natin ang mga kataga mula sa Octogesima Adveniens at nawa’t pakinggan ito ng ating pamahalaan: Ang pinakamahina sa ating lipunan ang laging biktima ng mga “dehumanizing living conditions.”  Ito ay mapanganib para sa mga pamilya at nakakapanliit sa dignidad ng tao. Ang pabahay ay responsibilidad ng pamahalaan at dapat bigyan ito ng maayos na direksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 35,727 total views

 35,727 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 58,879 total views

 58,879 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 128,993 total views

 128,993 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 203,607 total views

 203,607 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,063 total views

 281,063 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 35,729 total views

 35,729 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 58,881 total views

 58,881 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 128,995 total views

 128,995 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 203,609 total views

 203,609 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top