Maria Goretti Parish, gagawing Synodal Missional and Global

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,630 total views

Tiniyak ng bagong kura paroko ng Sta. Maria Goretti Parish ang pagpapaigting sa misyon ng simbahan lalo na ang paglilingkod sa higit na nangangailangan.

Ito ang pahayag ni Fr. Jason Laguerta sa pagdiriwang ng ika – 40 anibersaryo ng parokya nitong December 11, 2022.

Ayon sa pari, alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco na synodality ay palalawakin ang mga programa ng simbahan hindi lamang sa nasasakupang komunidad kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“As we celebrate its 40th anniversary of establishment we would like to embark on making our parish truly S-M-G, Synodal Missional and Global,” pahayag ni Fr. Laguerta sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na bagamat apat na dekada pa lamang ang parokya ay hitik na ito sa karanasan at nag-umapaw ang biyaya sa pagtutulungan ng mananampalataya.

Sinabi ni Fr. Laguerta na maisasakatuparan ang bawat programa ng simbahan kung magbubuklod ang nasasakupang kawang abutin ang iba’t ibang sektor sa pamayanan.

Kinilala ng pari ang mga dating kura paroko ng parokya na nagpaunlad sa komunidad tulad ni Msgr. Justino Ortiz na nagpasimula sa paroyka noong December 11, 1982 katuwang ang namayapang Manila Archbishop Emeritus Jaime Cardinal Sin.

Gayundin ang pagsisikap ni Fr. Dave Concepcion na mapalawak ang misyon at programa ng Sta. Maria Goretti sa iba’t ibang bansa sa buong mundo lalo na noong pandemya.

Ayon kay Fr. Laguerta mananatiling simbahang nagmimisyon ang parokya lalo na sa pagpapaunawa sa mga aral at turo ng simbahan.

“We will always be missional we will reach out to others especially those in need we will try to share with enthusiasm the joy of the gospel and we will pursue the mission of evangelization,” ani Fr. Laguerta.

Kasabay ng pagdiriwang ang pormal na pagtalaga kay Fr. Laguerta bilang kura paroko sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Apela ng cardinal sa mananampalataya ng parokya ang pakikipagtulungan kay Fr. Laguerta upang maging matagumpay sa misyon bilang kura paroko.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga pari ng San Fernando De Dilao Vicariate kung saan nabibilang ang Sta. Maria Goretti Parish.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 63,663 total views

 63,663 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 81,563 total views

 81,563 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 128,129 total views

 128,129 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 115,605 total views

 115,605 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 132,187 total views

 132,187 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top