ACN naglaan ng €5M tulong sa mga naglilingkod na pari, madre sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

Naglaan ng Limang Milyong Euro o katumbas ng P270 Milyon ang social arm ng Vatican upang tulungan ang mga pari at madre na patuloy na naglilingkod sa simbahan sa kabila ng banta ng novel corona virus.

Ayon sa Aid to the Church in Need (ACN), kabilang sa bibigyan ng tulong ang mga lingkod ng simbahan sa Gitnang Silangan, Central at Eastern Europe, Latin America, Asya at Africa.

Ang ACN ay ang pontifical charity ng simbahan na pangunahing tumutulong sa mga biktima ng mga inuusig dahil sa pananampalataya.

“It is our wish that this aid, made possible thanks to our benefactors, will help ease the burden on our courageous religious, who stand on the front lines, bringing God’s love and compassion to our suffering brothers and sisters. Now more than ever, the Light and Hope of the Lord is needed,” ayon sa pahayag ni Thomas Heine-Geldern, ACN’s Executive President na nakalathala sa ACN-Philippines website.

Naniniwala ang ACN na sa harap ng pandemyang nararanasan sa buong mundo ay mas higit na kinakailangan ang paglilingkod ng mga pari, madre at mga relihiyoso hindi lamang sa pagkakawanggawa kundi higit ang pangangailangang espiritwal ng mga kristiyano.

“We are united in prayer with the brave and dedicated priests and nuns who give their all to serve the world’s most vulnerable communities, and with all who are suffering around the world.”

Kabilang na dito ang pagbibigay ng mga sakramento lalu na sa mga may karamdamdan at nagtataglay ng nakakahawang sakit.

Sa Pilipinas, nagbukas ang mga institusyon ng simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga frontliners at ng mga walang tahanan.

Tinatayang may higit sa 10,000 ang bilang ng mga pari habang higit naman sa 12,000 libo ang women religious (nuns and sisters) na naglilingkod sa 3,354 na parokya sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 4,341 total reads

 4,341 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 91,421 total reads

 91,421 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,794 total reads

 128,794 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,055 total reads

 160,055 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,650 total reads

 232,650 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top