Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Adbokasiya ni Pope Francis sa kapayapaan at brotherhood, kinilala ng Bangsamoro government

SHARE THE TRUTH

 11,464 total views

Kinilala ng Bangsamoro Government ang masidhing adbokasiya ng namayapang si Pope Francis na maisulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

Sa mensahe ng pakikiisa ni Bangsamoro Government Chief Minister Abdulraof A Macacua sa pagluluksa ng mga Katoliko sa rehiyon ay binigyang pagkilala ng opisyal ang pambihirang pagsusumikap ng yumaong Santo Papa na maisulong ang pagkakaroon ng kapayapaan, katarungan at pagkakaisa sa lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya at paniniwala ng lahat.

“We in the Bangsamoro Government, extend our deepest condolences to the Catholic Church, our Catholic residents in the region, and to all who mourn the loss of Pope Francis. The news of his passing brings profound sadness as Pope Francis was a beacon of hope and a tireless advocate for peace, justice, and interfaith dialogue. Testament to this were his persistent and heartfelt appeals for peace in the Middle East, especially in the face of atrocities in Palestine.” Bahagi ng pahayag ng Bangsamoro Government.

Ayon kay Macacua, kaisa ng mga Katoliko sa rehiyon ang Bangsamoro Government sa pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025 – isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Partikular na kinilala ni Macacua ang tuwinang panawagan ni Pope Francis na mawakasan na ang armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa kabilang na sa Gitnang Silangan at sa Palestina.

“He was a source of moral clarity as he continuously urged world leaders to depart from war and instead seek peaceful resolutions. These were not mere pronouncements, but a call to action and a reminder of our shared humanity. In this time of mourning, we stand in solidarity with our Christian brothers and sisters, and we reaffirm our commitment to fostering a society where peace and mutual respect are the cornerstones of our existence.” Dagdag pa ng Bangsamoro Government.

Pumanaw sa edad na 88-taong gulang ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Matatandaang 38-araw na nanatili si Pope Francis sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma matapos na maospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025 dahil sa bronchitis na kalaunan ay natukoy bilang bilateral pneumonia.

Sa pagamutan na rin ginunita ni Pope Francis ang kanyang ika-12 taong anibersaryo ng pagiging Santo Papa.
Kabilang sa mariing isinusulong ni Pope Francis ang pagiging ganap ng Simbahang Sinodal ng buong Simbahang Katolika o ang pagiging bukas para sa lahat.(

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 27,613 total views

 27,613 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 51,398 total views

 51,398 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 63,633 total views

 63,633 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 249,243 total views

 249,243 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 279,112 total views

 279,112 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 19,209 total views

 19,209 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top