ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,558 total reads

Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene kits bilang mga kagyat na pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng sama ng panahon.

Pagbabahagi ng kongregasyon layunin din ng inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi lamang sa kagyat na pangangailangan ng mga mamamayan kundi maging sa muling pagbangon ng mga residenteng lubos na naapektuhan ng Bagyong Kristine sa lalawigan.

“As we witness the devastating impact of the Typhoon Kristine, our hearts go out to the countless families affected by this natural disaster. The Redemptorist Legazpi launches the ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response to provide immediate relief and long-term assistance to those in need. Your contributions can help supply essential resources such as food, clean water, medical care, and shelter for those who have lost everything.” Bahagi ng pahayag ng Redemptorist Legazpi.

Samantala, tiniyak din ng Redemptorist Legazpi Mission Community ang kahandaan nitong tumugon sa anumang anunsyo ng lokal na pamahalaan kaugnay sa patuloy na epekto ng Bagyong Kristine sa lalawigan kung saan kabilang ang Redemptorist Church sa mga nagbukas na Simbahan upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang apektado ng sama ng panahon sa lugar.

Para sa mga nais tumulong sa pamamagitan ng in-kind donations, maaaring dalhin ang mga donasyon sa Redemptorist Church Lakandula Drive, Brgy. Gogon, Legazpi City, Albay o kaya naman ay makipag-ugnayan kay Fr. Ronald Balase sa numero bilang 0956-836-4051.
Ang Bagyong Kristine ay ang ika – 11 bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon na nagdulot ng malawang pagbaha sa Bicol region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,705 total reads

 6,705 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,949 total reads

 41,949 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,433 total reads

 78,433 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,644 total reads

 96,644 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,616 total reads

 180,616 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 39,042 total reads

 39,042 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top