Ang pakikisangkot sa usaping pampulitika ay maituturing ding pagpapahayag ng pag-ibig para sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total views

Ito ang ibinahagi ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa social aspect of love na maaaring maipamalas ng sinuman lalo na para sa bayan.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, isa ang panahon ng halalan sa mga pambihirang pagkakataon upang maipamalas ng bawat isa ang pagmamahal para sa bayan.

Partikular na tinukoy ni Bishop Pabillo ang nakatakdang halalan sa susunod na taon kung saan makikita ang pagmamahal, pagsasamantala o kapabayaan ng bawat isa para sa bayan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Paliwanag ng Obispo, ang matalinong pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal na ihalal upang mamuno para sa kabutihan at kaunlaran ng bayan ang isa sa kongretong pagpapamalas ng pagmamahal para sa bayan.

“Next year, May 9, ay election day natin. Exactly isang taon na lamang, election na naman. Sa panahon ng election nalalaman ang social aspect of love. Dito nakikita ang pagmamahal sa bayan, o ang pagsasamantala sa bayan, o ang kapabayaan sa bayan. Mahal natin ang bayan kung ang pinipili nating mamuno sa bayan ay ang karapat-dapat para sa ikabubuti ng lahat, the common good.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Bishop Pabillo na hindi lamang sapat ang matalinong pagboto sapagkat mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga mabubuting kandidato upang pagpilian ng taumbayan.

Iginiit ng Obispo na mahalaga ring itaya ng mga mabubuting tao ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtakbo sa halalan upang magkaroon ng mga karapat-dapat na mapagpipilian ang mamamayan.

“Pero hindi lang sapat na bumoto nang maayos. Paano naman boboto ng nararapat na wala namang nararapat na tumatakbo? Ang politika ay hindi masama. Ang pakikisangkot sa politika ay maaaring isang pagpapahayag ng pag-ibig sa bayan. Kapag mabuti ang mga kandidatong tumatakbo, maaaring may pagpipilian ang mga tao. Kaya dapat may mabubuting tao ding tumaya ng sarili alang-alang sa bayan. Kaya habang nananawagan tayo sa mga tao sa pagboto ng maayos, nananawagan din tayo ng mabubuting tao na tumakbo para sa bayan.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi sapat ang matalinong pagsusuri ng mga botante lalo na kung puro mga trapo lamang rin ang nasa hanay ng pagpipilian ng mga mamamayan sa darating na halalan.

Kaugnay nito bilang hudyat para sa nakatakdang halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022 ay nanawagan ng Kampana para sa Halalan 2022 ang NASSA/Caritas Philippines na layuning na mapukaw ang atensyon at kamalayan ng taumbayan sa panawagan ng Simbahan para sa lahat na magpatala sa kasalukuyang voters’ registration upang makibahagi sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

[smartslider3 slider=22]

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,591 total views

 18,591 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,605 total views

 68,605 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,474 total views

 64,474 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,471 total views

 100,471 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,176 total views

 108,176 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top