Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apela ng Diocese of Virac sa mamamayan, buksan ang tahanan sa maaapektuhan ng bagyong Ulysses

SHARE THE TRUTH

 462 total views

Nakahanda na ang Diocese ng Virac, Catanduanes sa posibleng pananalasa nang binabantayang bagyong Ulysses.

Ayon kay Fr. Renato “Atoy” dela Rosa, Social Action Director ng Diyosesis, nagsagawa na ng preventive evacuation ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan at paghahanda ng mga maaaring ipamahaging tulong sa mga maaapektuhang pamilya.

Problema naman ng Diocese ang kakulangan ng mga evacuation building para maging pansamantalang matutuluyan ng evacuees.

Dahil dito, nanawagan si Fr. dela Rosa sa mga may-ari ng tahanan na handang tumulong at magpatuloy ng mga residenteng higit na maaapektuhan ng bagyo.

“Problem po ang mga evacuation buildings. Kaya nanawagan uli sa dati[ng] ginawa [noong] bagyong Rolly na sa mga bahay na [pwede] maka-accommodate ng evacuees,” ang pahayag ni Fr. dela Rosa sa panayam ng Radyo Veritas.

Humihiling naman ng panalangin ang diyosesis na i-adya sa kapahamakan ang mamamayan.

Umaapela din ang Pari ng tulong sa pagbangon ng mga apektado ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang bagyong Rolly ang ikalawang super typhoon category na nanalasa sa Pilipinas kasunod ng super typhoon Yolanda na puminsala naman sa Eastern Visayas region noong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 katao ang naitalang nasawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,399 total views

 8,399 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,499 total views

 16,499 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,466 total views

 34,466 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,800 total views

 63,800 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,377 total views

 84,377 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,845 total views

 7,845 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,136 total views

 9,136 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,535 total views

 14,535 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,519 total views

 16,519 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top