Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Nueva Segovia, tuloy-tuloy ang programa para sa mahihirap.

SHARE THE TRUTH

 527 total views

Sa kabila ng pandemya ay nagpatuloy ang Archdiocese ng Nueva Segovia sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa probinsya ng Ilocos Sur sa tulong ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Danilo Martinez, Social Action Director ng Caritas Nueva Segovia, ikinagalak nito na sa kabila ng mga pagsubok dulot ng pandemya ay hindi pa rin natigil ang kanilang mga programa para sa mga mangingisda, magsasaka at mga mag-aaral ng Arkidiyosesis.

Ayon kay Fr. Martinez, malaking tulong ang suporta ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila para maipagpatuloy nila ang kanilang mga nasimulang programa.

Inihayag ng Pari na nang magsimula ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown noong nagdaang taon ay nakapagsagawa sila ng mga “relief assistance effort” sa tulong ng dalawang nasabing institusyon.

“Marami na kami natulungan sa program ng Pondo ng Pinoy, una nakapagbigay kami ng babuyan sa mga Parishes, meron din mga community ng mga Madre na kasama yung mga trabahador nila doon sa community, nakapagbigay na din kami ng computer set sa different Chapels ng mga schools sa Archdiocese and at the moment under implementation yung pagbibigay namin ng fishing equipment sa isang island ditto. Pondo ng Pinoy gave us an amount during the pandemic kaya nagpapasalamat kami sa Pondo ng Pinoy ganun na din sa Caritas Manila at Radyo Veritas dahil sa kanilang tulong sa mga nangangailangan” dagdag pa ng Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Umaasa si Fr. Martinez na mas mapapalakas pa nila ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na’t marami pa din ang lumalapit sa kanila dala ng kahirapan.

Ang Pondo ng Pinoy ay patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bente singko sentimos na nalilikom sa mga paaralan at mga parokya habang ang Caritas Manila ay nagpapatuloy din sa pagsasagawa ng mga donation drive para sa mga programa sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,832 total views

 16,832 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,932 total views

 24,932 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,899 total views

 42,899 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,072 total views

 72,072 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,649 total views

 92,649 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,660 total views

 21,660 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,929 total views

 39,929 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top