Archdiocese of Palo, panalangin ang kagalingan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,336 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Palo sa Leyte ang patuloy na pananalangin para sa pagbuti ng kalagayan at kagalingan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Palo Archbishop John Du, kabilang ang paggaling at kalusugan ng Santo Papa sa intensyon ng pananalangin at mga banal na misa na isinasagawa sa buong arkidiyosesis bilang pagpapamalas na rin ng pagmamahal kay Pope Francis.

Pagbabahagi ng Arsobispo, hindi malilimutan ng mga mamamayan at mananampalataya ng Leyte ang naging pagdalaw ng Santo Papa Francisco sa lalawigan noong Enero ng taong 2015 upang personal na maipamalas ang pakikiisa sa mga nasalanta ng Super Typhoon Haiyan (Yolanda) noong 2013.

Paliwanag ni Archbishop Du, sa pamamagitan ng pagbisita ni Pope Francis sa lalawigan ay kanyang naipadama sa mga biktima ng kalamidad ang presensya ng habag at awa ng Panginoon na nakapagdulot ng pambihirang pag-asa para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Yolanda.

“In the Archdiocese of Palo, we remember how Pope Francis brought a profound sense of hope and solidarity to our communities affected by Supertyphoon Haiyan (Yolanda). His presence as the vicar of Christ served as a powerful symbol of God’s mercy and compassion, reminding us that we are not alone in our collective efforts of healing and rebuilding. Our continued Prayers and Masses offered for his health and well-being are our powerful way of showing our love to the Holy Father.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Du.

Matatandaang tema ng naging pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15 to 19, 2015 ang “Mercy and Compassion” na layuning personal na makita, makasalamuha, madamayan at mabigyan ng inspirasyon upang muling bumangon at umahon ang mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Eastern Visayas noong Nobyembre ng taong 2013.

Samantala batay sa pinakahuling medical bulletin ng Vatican noong Linggo, nanatiling nasa kritikal na kondisyon ang 88-taong gulang na Santo Papa matapos na maospital sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma noong February 14, 2025 dahil sa respiratory infection.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 43,797 total views

 43,797 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 76,879 total views

 76,879 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 105,230 total views

 105,230 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 172,962 total views

 172,962 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 193,060 total views

 193,060 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top