Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arnold Janssen Kalinga Foundation, pinuri ng ambassador of the Swiss Confederation

SHARE THE TRUTH

 35,761 total views

Nagpaabot ng paghanga si Ambassador of the Swiss Confederation to the Philippines Nicolas Brühl sa Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation para sa mga naiwang kapamilya ng mga biktima ng marahas na laban kontra ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Personal na nakibahagi at nagpahayag ng suporta si Ambassador Bruhl sa pagtatanghal ng Teatro ng Kabataan sa ilalim ng Teatro Paghilom na may titulong “Pasyon. Paghilom. Pagbangon.” sa direksyon ni Alberto Saldajeno Jr.

Ayon sa kinatawan ng Swiss Confederation sa Pilipinas, kahanga-hanga ang programa na nagbibigay ng pag-asa at nagsisilbing boses para sa patuloy na paghahanap ng katarungan ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng extra judicial killings.

“I’m really really impressed and we are happy that from the international community that we can support Fr. Flavie [Villanueva] for this and I’m really personally impressed what you are doing and I wish you all the best and I think it’s important that and was mentioned that we have to voice to have to say something. We should never be silent about this, it’s a serious issue but on the other hand, have laughs and this is for no longer crying, laugh and humour is very important so thank you so much from all of us.” Bahagi ng pahayag ni Ambassador Bruhl.

Naganap ang pagtatanggal sa Adamson University Theater noong ika-13 ng Marso, 2024 sa pakikipagtulungan ng Adamson University Cultural Affairs Office.
Taong 2016 ng sinimulan ni Rev. Fr. Flavie Villanueva l.
“Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng dating administrasyong Duterte.
Sa kasalukuyan may mahigit na sa 300 ang bilang ng mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nangangasiwa rin sa pagtatayo ng Dambana ng Paghilom upang magsilbing huling hantungan ng mga nasawi sa marahas na kampanya kontra illegal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 12,645 total views

 12,645 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 33,372 total views

 33,372 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 41,687 total views

 41,687 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 60,247 total views

 60,247 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 76,398 total views

 76,398 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 4,709 total views

 4,709 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,367 total views

 8,367 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 69,869 total views

 69,869 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

 27,229 total views

 27,229 total views Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL). Ayon kay Customs

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top