Diyosesis ng Antipolo, naghatid ng tulong sa mga Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,779 total reads

Ibinahagi ng Ministry on Social Action, Human Development, at Caritas ng Diyosesis ng Antipolo ang kanilang misyon bilang daluyan ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita at pamamahagi ng tulong sa mga katutubong Dumagat-Remontado sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Mona Valencia, Program Coordinator ng social arm ng diyosesis, ang pagpunta sa Barangay Sta. Ines at Daraitan ay patunay na may mga taong handang umalalay sa pamayanang nangangailangan, lalo na sa mga katutubong nakatira sa kabundukan.

Tig-dalawang-daang pamilya mula sa dalawang barangay ang nakatanggap ng ayuda bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, kilala bilang Birhen ng Antipolo.

Binigyang-diin ni Valencia ang kahalagahan ng presensya ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na nanguna sa pamamahagi at personal na nakadaupang-palad ang mga benepisyaryo.

“Simple man, pero kitang-kita ang saya at ngiti ng mga tumanggap ng tulong mula sa ating obispo at mga pari. Sa pamamagitan nila, naipadama ang pagpapala ng Diyos sa mga tao,” ani Valencia.

Dagdag pa niya, isang malaking biyaya para sa mga Dumagat-Remontado ang katiyakang bukas ang diyosesis sa pagtugon sa kanilang pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga katutubong magsasaka.

Paliwanag ni Valencia, mahalagang marinig at maunawaan ang kalagayan ng komunidad upang makapaglatag ng mas angkop at pangmatagalang suporta.

“Isang biyaya para sa kanila na malaman na ang obispo at ang diyosesis ay handang tumulong sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan,” dagdag niya.

Una nang iginiit ni Bishop Santos na ang Simbahan ay maihahalintulad sa isang inang hindi nakakalimot dumalaw at kumalinga sa kanyang mga anak—isang Simbahang patuloy na nagmamalasakit, nagmamahal, at nag-aalaga sa kanyang nasasakupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 128,650 total reads

 128,650 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,920 total reads

 171,920 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 221,676 total reads

 221,676 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 380,872 total reads

 380,872 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,136 total reads

 402,136 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,333 total reads

 191,333 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top