Caritas Philippines, babantayan ang liderato ng bagong kalihim ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,846 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na magsilbing pagkakataon ang pagpapalit ng liderato sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang itaguyod ang katarungan at pangmatagalang proteksiyon sa Verde Island Passage (VIP).

Kasunod ito ng pagtalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay Undersecretary Juan Miguel Cuna bilang acting DENR secretary, habang hinirang naman si outgoing secretary Raphael Lotilla bilang Philippine ambassador to the Holy See.

Ayon kay Bishop Alminaza, nawa’y magsilbing pagkakataon ang bagong tungkulin ni Cuna upang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, alinsunod sa panawagan ng Simbahang Katolika hinggil sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan, lalo na sa diwa ng Laudato Si’ ni Pope Francis at Dilexit Te ni Pope Leo XIV.

“An opportunity, at the same time, to make good with his duties to the Filipino people after a history of having advanced coal and gas, and of undermining critically biodiverse ecosystems such as the Verde Island Passage,” pahayag ni Alminaza.

Sinabi ng obispo na tatlong taon matapos ang mapaminsalang oil spill sa VIP, patuloy na pinapasan ng mga mangingisda at baybaying komunidad ang epekto ng trahedya.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap ang pananagutan ng mga kumpanyang sangkot at ang kabayaran sa mga apektadong komunidad.

“Accountability of erring companies and reparation owed to affected communities remain elusive. At the same time, government bodies responsible for protecting our environment have yet to act on the rehabilitation and long-term protection of the VIP. All this silence makes our cry for justice even louder,” dagdag ng obispo.

Iginiit ng Caritas Philippines, mahalagang italaga ang VIP bilang isang protected seascape upang matiyak ang pangangalaga sa natatanging yamang-dagat at mapangalagaan ang seguridad sa pagkain at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Hinimok din ng pinuno ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Acting Secretary Cuna na maging tapat sa mandato ng DENR at unahin ang katarungan, pananagutan, rehabilitasyon at pangmatagalang proteksiyon ng VIP at ng buong biodiversity ng bansa.

Para kay Bishop Alminaza, ang kasalukuyang yugto ay isang panawagan sa moral na pananagutan upang hindi na maulit ang trahedyang patuloy na nagpapahirap sa mga komunidad sa VIP.

“This is a moment for moral courage. When justice is delayed, injustice deepens, and when protection is postponed, another disaster becomes inevitable. The communities of the Verde Island Passage cannot wait another year,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,824 total reads

 126,824 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,265 total reads

 170,265 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,021 total reads

 220,021 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,217 total reads

 379,217 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,559 total reads

 400,559 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,281 total reads

 191,281 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top