Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 119,245 total views

Kapanalig, summer na naman. Kakambal na ng summer ang turismo sa ating bayan. Sa ganitong panahon hindi lamang ang araw ang hitik na hitik, kundi pati ang industriya ng turismo sa ating bayan.

Nito lamang January, tumaas ng mahigit 23% ang bilang ng mga turista sa ating bansa. Mahgit 574,000 tourists ang dumating sa ating bayan, kumpara sa January noong nakaraang taon na mahigit 464,000. Tataas pa ito ngayong tag-init, dahil maliban sa foreign tourists, mas dumadami na din ang local tourists sa ating bansa.

Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng turista sa ating bayan ay nagbibigay ng mas malaking ambag sa ekonomiya ng ating bayan. Pero kapanalig, ang tanong, sa ambag ba nito, may natitira ba para naman sa pangangalaga at proteksyon ng ating mga tourist spots?

May trade off talaga, kapanalig, ang mga malalaking industriya gaya ng turismo. Sa pagdami ng tao sa ating mga tourists spots, mas dumadami siyempre ang basura, ang pagkonsumo, at ang collateral damage sa mga nadadaanan ng tao. Minsan pa nga, may mga pagkakataon na nava-vandalize o binabalahura ang mga scenic spots na ito. May ginagawa ba tayo upang pangangalagaan ang mga lugar na ating pinagkaka-kitaan?

Kapanalig, panahon na upang mapalaganap natin ang sustainable tourism sa ating bayan. Sunod ito sa pangaral mula sa Laudato Si, na nagsasabi na “mahalagang maghanap tayo ng mga komprehensibong solusyon na isinasaalang-alang ang atin ugnayan sa ating mga natural ecosystems at social systems. Sa ngayon, ang tao ay karaniwang kuha na lamang ng kuha mula sa inang kalikasan kahit depleted na o ubos na ang likas yaman. At ang tao ay hindi nakukuntento sa pagkuha, nagtatapon pa siya ng nagtatapon – kaya’t ang puwang o vacuum na kanyang nilikha ay napupuno na lamang ng basura.

Para maging sustainable ang turismo sa ating bayan, paka-isipin natin na hindi lagi kailangan bulabugin ang kalikasan upang maging tourist spot ang isang lugar. Nauuso na ang eco-tourism ngayon, isang uri ng turismo na nakatutok sa natural na pakikisalamuha sa kalikasan -natural experience with nature – na hindi kailangang magtatag ng mga istraktura na puputol o di-disrupt sa natural na daloy ng kalikasan. Sa ganitong paraan, malalasap natin ang ganda ng paligid na walang sinisira o dinudumihan.

Napakahalaga kapanalig, na ating masakatuparan ang sustainable tourism. Kapag ang isang lugar ay ating inabuso, ang restoration nito ay tatagal ng mahabang panahon. Mangangahulugan ito ng pagkasira ng kalikasan, na siyang ating pinagkakakitaan. Ang kinabukasan ng kalikasan at kinabukasan natin ang nalalagay sa peligro. Malinaw kapanalig, na ang ating buhay ay nakatali sa ating kalikasan. Kaya’t sana, matuto na tayong alagaan ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 14,148 total views

 14,148 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 30,237 total views

 30,237 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,970 total views

 67,970 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,921 total views

 78,921 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 23,027 total views

 23,027 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 14,149 total views

 14,149 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 30,238 total views

 30,238 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,971 total views

 67,971 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,922 total views

 78,922 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,816 total views

 91,816 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,543 total views

 92,543 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,332 total views

 113,332 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,793 total views

 98,793 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,817 total views

 117,817 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top