Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Assessment ng Diocese of Legazpi sa naapektuhan ni Nina, nagpapatuloy

SHARE THE TRUTH

 286 total views

Patuloy ang assessment ng Diocese of Legazpi sa mga naapektuhan at nasira ng bagyong Nina sa Albay.

Ayon kay Fr. Rex Arjona, Social Action Center director ng diocese, ito’y bagamat hindi naman gaanong nakapaminsala ang Bagyo sa maraming lugar doon.

Kabilang sa mga lugar na dinaanan ng bagyo ang mga bayan ng Tiwi, Malinao, Oas, Polangui, Libon at Tabaco na ang ilan ay nalubog sa baha at nasira naman ang mga bahay na gawa sa light material sa mga coastal area sa Kiwi.

Kaugnay nito, nasira rin ang ilang water system sa ilang bahagi ng Albay at wala pa ring supply ng kuryente dahil na rin sa mga nagtumbahang mga puno at tore ng kuryente.

Sinabi pa ni Fr. Arjona na hindi naman naging problema ang supply ng pagkain sa kasagsagan ng bagyo dahil maging ang mga mahihirap na pamilya ay may pinagsaluhan dahil sa Pasko subalit magiging suliranin aniya ito sa mga susunod na araw lalo na sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan.

“Tinamaan kami pero hindi malubha, pinaka worst sa bayan ng Tiwi, Malinao, Oas, Polangui, Libon at lungsod ng Tabaco. Sa Malinao binaha sila waste to neck high deep, sa kasagsagan ng Pasko at wala namang casualties. Sa Kiwi, coastal areas na barangay lahat ng bahay na gawa sa light material nasira, then maraming puno at poste ng kuryente ang natumba, nasira din dito ang mga water system, so walang water system na gumagana kaya hirap sa supply ng tubig. Sa Polangui may 3 casualties. Buong probinsiya ng Albay at ilang part ng Sorsogon walang power, may several tower na sinira ng bagyo gumagawa sila ng paraan now na magkaroon ng kuryente. Sa pagkain, masuwerte ng konti may konting ipon ang mga pamilya para sa pagkain nila dahil Pasko, ang poorest community ang pinaka-naapektuhan ang bahay at kabuhayan ang problema sa mga susunod na araw,” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Si Nina ang pang-14 na bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon mula sa humigit kumulang 20 kada taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 12,603 total views

 12,603 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 32,288 total views

 32,288 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 70,231 total views

 70,231 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 88,433 total views

 88,433 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 87,829 total views

 87,829 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 113,643 total views

 113,643 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 148,058 total views

 148,058 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567