Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 34,320 total views

Homiliya para sa Ikaapat na Araw ng Simbang Gabi, 20 Disyembre 2025, Luk 1:26-38

AT NILISAN SIYA NG ANGHEL. Ito ang dulo ng kuwentong binasa natin kay San Lukas. Ibig sabihin, iniwan siya. Kung huhugutin natin mula sa konteksto ng kuwento ang linyang ito, parang inabandona siya. Pero dito, ang ibig sabihin—Mission Accomplished, pwede nang umalis ang anghel.

Alam ko na kapag Simbang Gabi kay Mama Mary ang tutok ng ating pansin. Pero para sa pagninilay natin sa homiliyang ito, suggestion ko, si Angel Gabriel muna ang tutukan natin ng pansin. Sa totoo lang, di hamak na mas mahaba pa ang papel ng anghel at ang mga linyang binigkas niya kesa sa kay Mama Mary sa kuwento. May limang parte ang paglalarawan ni San Lukas sa papel na ginampanan ng anghel: Una, ang pagdating niya; pangalawa, ang pagbati niya; pangatlo, ang pahayag niya; pang-apat, ang paliwanag niya; at panlima, ang pag-alis niya. Kinumpara ko ang dialogue lines ng dalawang karakter: mas maraming pang sinabi ang anghel kesa kay Mama Mary. Kay Mama Mary, dalawang linya sa simula, isa sa gitna, at dalawa sa dulo: total—limang pangungusap. Kay Gabriel—dalawa sa simula, anim sa gitna, at anim sa bandang dulo. Wow. Mas madaldal pa ang anghel kesa kay Mama Mary!

Una, ang pagbati niya, na memorized natin sa Hail Mary. Ewan ko ba kung bakit isinalin na Aba! ang Ave! na ang ibig sabihin lang ay Hello! Pag binati ka ng Aba, kakabahan ka talaga. Lalo na kapag inulit nang tatlong beses—Halimbawa, “Aba, aba, aba mga Congressmen, umayos kayo diyan!” Delikado ang ganyang pagbati. Ave na lang.

Pero ang mas importante ay ang sadya niya—para ipahayag sa dalaga na may misyon na ibig ipagawa ang Diyos sa kanya. Ano iyun? At bago iyon, sinabihan muna siya na huwag matakot. Kasi kapag naunahan nga naman tayo ng takot, mahihirapan na tayong makinig. Kaya ang kasunod ng “Huwag matakot” ay “Makinig ka.” Di ba ang yumaong si Pope Francis madalas niyang sinasabi noon na ang pinakamahalagang sangkap ng “conversation in the Spirit” ay pakikinig? Wala naman talagang patutunguhan ang pag-uusap kapag lahat gustong magsalita, at habang nagsasalita ang iba, iniisip na agad ang isasagot. Ganyan ang nangyayari kapag naunahan tayo ng ating mga takot at pangamba—para tayong nabibingi, katulad ni Zacarias. Sa panalangin, marami tayong gustong sabihin sa Diyos, pero nakikinig ba tayo para makuha naman natin ang gustong sabihin ng Diyos?

Tingnan natin ngayon ang pahayag ng anghel, matapos sigurong maramdaman na ready na si Mama Mary na makinig. Ang summary ay “May misyon para sa iyo ang Panginoon, Maria.” Iyun ay ang maging Ina ng Anak niya na kikilalanin daw bilang Anak ni David, ang lahing pinagmulan ni Joseph. Matagal nang bumagsak ang lahi ni David mula noong sakupin ang Judah ng Babylonian empire. Kaya si Joseph, na apo ng mga apo sa talampakan ni King David, karpintero ang kabuhayan. Pero alam ng mga Hudyo na pinangakuan ng Diyos si David na ang dynasty niya ay mananatili magpasawalang-hanggan. (Siguro ito ang pangarap ng mga political dynasty sa Pilipinas.). Sa tingin ng mga Hudyo, inabandona na sila ng Diyos kaya sila nasakop, napadpad sa iba’t ibang sulok ng mundo bilang mga dayuhan. Pero, parte lang pala iyon ng plano ng Diyos: upang ang kaligtasan ay makaabot sa buong sangkatauhan.

Siyempre, maguguluhan si Mama Mary kaya ang tanong niya ay “Paano ito mangyayari? Para kasing imposible.” Kaya anim na linya ang bibigkasin ng anghel para paliwanagan siya. At ang summary ng mensahe niya ay—“Ang Diyos na ang bahala, walang imposible sa kanya, mag-cooperate ka lang.” At meron siyang ibinigay na palatandaan: ang naunang pagbubuntis ng pinsan niya.

Ang husay magkuwento ni San Lukas, meron na siyang “Abangan ang susunod na kabanata—ang Visitation.” At noon niya biglang tatapusin ang kuwento: “At iniwan siyang ng anghel.” Hindi ito kapareho ng kuwento ni San Juan sa Last supper—na sa dulo sinasabi ng manunulat, “At umalis si Judas.” Inabandona ang grupo para ibenta ang kaibigan. May ganyang nang-iiwan, lalo na ang mga taksil. Dito, iniwan si Mama Mary ng anghel dahil, nasungkit na niya ang matamis na Oo ng dalaga. Ibig sabihin, pwede na siyang umalis dahil nagawa na niya ang trabaho niya.

Ang “mission impossible” naging “mission accomplished”.

Sigurado ako nakaka-relate kayo dito. Ilang beses na ba nangyari na ang isang bagay na akala nyo ay imposible ay pwede palang mangyari? Ganyan ang nangyari sa bayan natin noong 1986. Ganyan ulit ang nangyayari sa bayan natin ngayon.

Ang daming nagreact sa dulo ng homily ko noong nakaraang Huwebes: nang sabihin kong “Hilingin natin ang magkasamang biyaya ng tapang at hinahon…”. Paano daw ba pwedeng manatiling mahinahon e ninanakawan na nga tayo at niloloko? Pinapakalma ko lang daw ang mga tao para tanggapin na lang lahat. Ay hindi po. Tandaan: pinakalma rin muna ni Gabriel si Mama Mary para mapalitan ang takot ng dalaga ng tapang at lakas ng loob.

Pag sinabi mong “hopeless” na tayo o wala nang pag-asa na mabigyang katapusan ang korapsyon sa pamahalaan—para mo ring sinabing imposible na aayos pa tayo. Hmm—sabi nga ng anghel: “Ay, huwag matakot. MAKINIG KA.”

Huwag mo namang i-limit ang imahinasyon mo. Walang imposible kung makikinig ka at makikiisa sa ibig mangyari ng Diyos para sa bayan natin. Sa kasalukuyan, palagay ko, abalang-abala sa atin ang anghel. Ipagdasal natin na dumating na ang panahon na iwan na niya tayo, kapag nakuha na niya ang ating sagot sa imbitasyon na makiisa tayo sa misyon—na gawing posible ang akala natin ay imposible: may pag-asa pa ang bayan natin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 65,403 total views

 65,403 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 65,442 total views

 65,442 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 73,378 total views

 73,378 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 95,470 total views

 95,470 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 113,193 total views

 113,193 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

ANG DIYOS NA BATA

 15,025 total views

 15,025 total views Pista ng Santo Niño 18 Enero 2026, Isaias 9:1–6; Efeso 1:3–18; Mateo 18:1–10 Akala ng marami ang pista ng Santo Niño ay ipinagdiriwang

Read More »

PAHAYAG KAY JOSE

 35,375 total views

 35,375 total views Third Simbang Gabi Homily – 18 Dec 2025, Matthew 1:18–24 Ano nga ba ang first joyful mystery pag nagrorosaryo tayo? Annuciation. Ito ang

Read More »

KATUPARAN

 35,825 total views

 35,825 total views Homiliya para sa Ikalawang Araw ng Simbang Gabi, 17 Dis 2025, Mat 1:1-17 May tatlong yugto ang family tree o listahan ng mga

Read More »

FULL OF GRACE

 39,081 total views

 39,081 total views Homily for the Feast of the Immaculate Conception, December 8, 2025 – Luke 1:26–38 To explain why we refer to Mary by the

Read More »

PERSEVERANCE

 51,561 total views

 51,561 total views HOMILY for my canonical Installation at the Titular Church of the Transfiguration in Rome — 29th Sunday, in Ordinary Time, 19 Oct 2025,

Read More »

SUNDIN ANG LOOB MO

 62,852 total views

 62,852 total views Homiliya para sa Miyerkules sa Ika-27 Linggo ng KP, 8 Oktubre 2025, Luk 11:1-4 Dalawa ang bersyon ng Panalanging itinuro ng Panginoon sa

Read More »

ANG DIYOS NA NAGLILINGKOD

 58,565 total views

 58,565 total views Homiliya para sa Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon – Oktubre 5, 2025 (Lk 17:5-10) Noong una, akala ko nagkamali si San Lucas sa

Read More »

WALANG PAKIALAM

 47,274 total views

 47,274 total views Homiliya para sa ika-26 Linggo ng KP, 28 Setyembre 2025, Amos 6:1a,4-7; Lukas 16:19-31 Sa isang rekoleksyon minsan binasa ko ang kwento ng

Read More »