Bagong Papal Chaplains, hinamong paigtingin ang paglilingkod sa kawan ng Dios.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,557 total reads

Hinimok ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga bagong Papal Chaplains ng diyosesis na mas paigtingin ang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Sa ginanap na Solemn Investiture sa anim na bagong monsignori pinaalalahanan ng obispo na hindi ito pangkaraniwang parangal at pagkilala ng simbahan kundi ito ay tawag ng mas malawak na pagmimisyon.

“Hindi ito titulo ninyo, ito rin ang pasanin ng anim na paring pinararangalan ngayon malamang kayo’y nanliliit sa karangalang iginagawad sa inyo ngayon, nararapat lang, ngunit nawa’y ang inyong panliliit ay gawin ninyong dahilan upang pag ibayuhin ang inyong paglilingkod,” bahagi ng mensahe ni Bishop Villarojo.

Isinagawa ang paggawad ng ‘biretta’ sa anim na monsginor ng diyosesis sa Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica sa Malolos City sa misang pinangunahan ni Bishop Villarojo kasama si Iba Bishop Bartolome Santos.

Kabilang sa bagong Cappelani Di Sua Santita sina Msgr. Dario Cabral, Msgr. Domingo Salonga, Msgr. Narciso Sampana, Msgr. Leocadio De Jesus, Msgr. Florentino Concepcio, at Msgr. Javer Joaquin.
Paalala ni Bishop Villarojo sa mga monsignor “Bawat pagkakataong may tatawag sa inyo na Monsignor iwaksi ang pag-iisip na kayo ang Panginoon, nakakahiya, bagkus kilalanin ninyo ang Diyos na tumatawag sa inyo at tumugon kayo sa inyong mga puso.”

Ito ay pagkilala ng santo papa na iginagawad sa mga diyosesanong pari na nagpapakita ng ‘exceptional service’ at paninindigan sa simbahan.

Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas kay Msgr. Domingo Salonga sinabi nitong ang pagkatalagang prinsepe ng simbahan ay may kaakibat na malaking responsibilidad na gagampanan.
“Ang pagkahirang sakin bilang Papal Chaplain ni Pope Francis ay isang tawag sa mas malalim na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, nawa’y ito ay maging daan ng biyaya hindi lamang para sa aking sarili ngunit sa buong sambayanan,” ayon kay Msgr. Salonga.

Binigyang diin nitong ang karangalang kanilang tinanggap bilang mga mosignor ng simbahan ay nararapat na ibahagi sa kapwa lalo na sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mamamayan upang higit na maging mabungang kasapi ng kristiyanong pamayanan.

Isinagawa ang Solemn Investiture nitong March 11 kasabay ng ika – 63 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Malolos ang isa sa pinakamalaking diyosesis sa bansa na may humigit kumulang apat na milyong katoliko na binubuo ng lalawigan ng Bulacan at Valenzuela City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,196 total reads

 25,196 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,089 total reads

 48,089 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,589 total reads

 84,589 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,214 total reads

 305,214 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,398 total reads

 338,398 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top