Bakuna bubble, inilunsad ng Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Ilulunsad ng Diyosesis ng Balanga sa Bataan ang bakuna bubble sa parokya upang makatulong mapabilis ang vaccination rollout ng lalawigan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos dalawang parokya sa Mariveles Bataan ang mauunang maglunsad sa programang ‘Magsimba, Magpabakuna, Maging Ligtas at Makapagligtas laban sa pandemya’.

Palalakasin ng programa ang information campaign sa pagbabakuna kontra COVID-19 upang mas mahikayat ang mamamayan na magpabakuna.

“This is an opportune time to catechize the parishioners about the necessity and the benefits of being vaccinated,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa anunsyo ng San Nicolas de Tolentino Parish sa Mariveles tuwing Sabado mula September 18 gagawin sa parokya ang ‘Pop-up Vaccination’ bilang pakikiisa at pagbibigay proteksyon sa mga nasasakupan sa labis na pinsala ng virus sa kalusugan ng tao.

Alas kuwatro ng hapon ang banal na misa na susundan naman ng pagbabakuna sa alas singko ng hapon.

Hinimok ng pamunuan ng San Nicolas de Tolentino ang mananampalataya kabilang na ang mga naglilingkod sa simbahan na hindi pa nabakunahan na tangkilikin ang programa para sa kanilang kaligtasan.

Bukod pa rito ang ilulunsad na vaccination tuwing Linggo mula September 26 sa Santa Gemma Galgani Parish sa Mountain View, Mariveles na may katulad na pamamaraan sa San Nicolas de Tolentino.

Ang nasabing programa ay sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Mariveles Bataan kung saan nakipag-ugnayan ang simbahan para makatulong mabawasan ang paglaganap ng COVID-19 sa lipunan.

Batay sa tala ng Bataan Provincial Health Office sa kabuuang mahigit 20 libong kaso ng coronavirus sa lalawigan halos apat na libo rito ang aktibong kaso.

Patuloy na hinikayat ni Bishop Santos ang mamamayan na magpabakuna upang mabawasan ang lubhang mapanganib na epekto ng virus sa kalusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,717 total reads

 67,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,418 total reads

 146,418 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,865 total reads

 179,865 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,162 total reads

 215,162 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,909 total reads

 438,909 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top