Maging ng transformation ng pamayanan, hamon ni Bishop Pabillo sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 518 total views

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa virtual celebrations ng National Laity Week.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sinabi nitong mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga panayam upang mabuksan ang kamalayan ng mga layko sa pakikisangkot sa usaping panlipunan at pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

“Mahalaga po sa National Laity Week ay babalik ang conciousness ng mga layko tungkol sa kanilang tungkulin sa simbahan at sa lipunan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Tinukoy ng obispo ang malaking tungkulin ng mga layko sa pakikiisa sa mga usaping panlipunan lalo’t nalalapit na ang halalan sa Mayo 2022 kung saan higit inaasahan ng simbahan ang mga layko sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal.

Umaasa si Bishop Pabillo na pairalin ng bawat layko ang matalinong pagpili ng mga lider ng bayan na magsusulong sa kabutihan ng nakararami at sa ikauunlad ng bansa.

“Sana po mas mag involve ang lay people sa political education, sa pagpipili ng nararapat na mga kandidato at sa pagpapatakbo sa nararapat na mga tao na talagang susulong sa katarungan, sa katwiran, at sa common good,” ani Bishop Pabillo.

Ayon kay Bishop Pabillo nawa’y isabuhay ng bawat layko ang kanilang bokasyon sa lipunan na maging bahagi sa ‘transformation’ ng pamayanan.

Sa Pilipinas 99 na porsyento sa mahigit 80 milyong binyagang katoliko ay mga layko kaya’t napakahalaga ang pakikiisa nito sa mga gawain ng simbahan at lipunan.

Bubuksan ang National Laity Week sa September 18 sa Archdiocese ng Cebu kung saan pangungunahan ni Bishop Midyphil Billones ang banal na misa alas sais ng hapon habang ang closing ceremony naman ay gaganapin sa Diocese ng Baguio sa September 25 na pangungunahan ni Bishop Victor Bendico.

Matutunghayan ang mga programa ng National Laity Week sa mga facebook pages ng mga diyosesis sa bansa, CBCP News, Sangguniang Layko ng Pilipinas, at Radyo Veritas PH.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,551 total views

 84,551 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,774 total views

 114,774 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,423 total views

 141,423 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,396 total views

 236,396 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,850 total views

 251,850 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top