Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bilangguan hindi lugar ng paghihiganti-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 29,712 total views

Tinuran ng opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang mga piitan ay dapat magsilbing lugar ng pagpanibago ng mga taong nagkasala sa lipunan.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Boderick Pabillo, ito ang paanyaya ng simbahan sa pagdiriwang ng Prison Awarenes Sunday alinsunod sa utos ni Hesus na kalingain ang mga bilanggo.

“Ang mga bilangguan natin ay dapat maging rehabilitation centers, at hindi lang lugar ng pagpaparusa at lalo na hindi lugar ng paghihiganti,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng obispo na isa ang mga persons deprived of liberty o PDL sa mga sektor na naisasantabi ng lipunan na kinakailangang kalingain.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang mga bilanggo ay hindi dapat hinuhusgahan sa pagkakamaling ginawa sa halip ay tulungang magbagong buhay upang makabalik sa komunidad gayundin hindi lahat ng mga nasa piitan ay nagkasala.

“Hindi lahat ng nasa bilangguan ay masasamang tao. Marami ang nandoon dahil sila ay biktima ng pagsasamantala,” giit ni Bishop Pabillo.

Tema sa pagdiriwang ngayon taon ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layong paigtingin ang misyon ng simbahan sa prison ministry.

March 25, 1975 nang makatanggap ng liham ang CBCP mula sa mga bilanggong nahatulan ng parusang kamatayan kung saan inilahad ang mga hinaing at hiniling sa simbahan na tugunan ang kalagayan ng mga bilanggo sa bansa.

Dahil dito itinatag ng kalipunan ang Episcopal Commission on Prisoners’ Welfare na noong 1998 ay kinilalang Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na nangangalaga sa mga PDL.

Taong 1987 naman ng itinalaga ng CBCP ang huling Linggo ng Oktubre bilang Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo upang bigyang kamalayan ang mamamayan sa sitwasyong kinakaharap ng mga bilanggo sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 10,232 total views

 10,232 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 24,943 total views

 24,943 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 37,801 total views

 37,801 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 112,057 total views

 112,057 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 167,711 total views

 167,711 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567