Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,992 total reads

Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis.

Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa.

“Now that we are still preparing the place, I would like to make an appeal to the people of Prosperidad that we have to join our hearts together not just in praying but translate our faith into action by preparing the things that we need for the diocese,” pahayag ni Bishop Labajo sa Radio Veritas.

Itinakda sa January 28, 2025 ang canonical possession at installation ni Bishop Labajo bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa alas 10 ng umaga sa St. Michael the Archangel Parish sa Poblacion, Prosperidad Agusan Del Sur.

Batid ng obispo ang maraming bagay na dapat ihahanda kabilang na rito ang magiging cathedral ng diyosesis, tanggapan at tahanan ng obispo.

Umaasa si Bishop Labajo na magbuklod ang mga pari at mananampalataya sa pagtataguyod ng bagong diyosesis upang mas lumago.

“I’m appealing to the people, the priest to be together in praising God and in working together to make this diocese grow, prosper, as the name suggests, so I hope by God’s grace, me as your pastor being appointed by the pope would really fulfill my duties and responsibilities as your new bishop in Prosperidad,’ ani Bishop Labajo.

Matatandaang October 15 nang inanunsyo ng Vatican ang pagkatatag sa Prosperidad bilang ika – 87 diyosesis ng Pilipinas na mangangasiwa sa mga lugar ng Agusan Del Sur kung saan halos kalahating milyon ang mananampalataya sa 27 mga parokya.

Magiging katuwang ni Bishop Labajo sa pagpapastol ang humigit kumulang 60 mga pari lalo’t tinagurian ang lugar bilang mission frontier ng Pilipinas dahil 1/3 ng populasyon ay mga katutubong komunidad.

Hiling ng obispo sa mamamayan ang patuloy na panalangin sa misyong pagsisimula ng misyong pagpapastol sa bagong diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 37,592 total reads

 37,592 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 122,998 total reads

 122,998 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 186,841 total reads

 186,841 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 272,697 total reads

 272,697 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 353,857 total reads

 353,857 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top