Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,041 total views

Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo.

Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products.
“Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products or supplemets. Do not be deceived by fake news or endorsements,” pahayag ng bikaryato.

Matatandaang nagbabala rin noon si Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle kaugnay sa laganap na Artificial Intelligence (AI) generated content sa internet na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan.

Ang mga kumakalat na video gaya ng endorsement ni Bishop Pabillo ay ginawa gamit ang Deepfake technology na isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings.

Apela ng bikaryato sa mamamayan na maging mapagmatyag at maingat sa mga nababasa at napapanuod online upang makaiwas sa scam.

“Stay vigilant and please report if you see any fake news,” anila.

Sa mensahe ni Pope Francis sa 58th World Day of Social Communications sa temang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart Towards a Fully Human Communication’ binigyang diin nito ang wastong paggamit ng mga teknolohiya kabilang na ang AI para sa pagsusulong ng ikabubuti at ikauunlad ng pamayanan sa halip na panlilinlang at panloloko sa kapwa.

Sa datos ng Data Reportal ngayong 2024 mayorya sa 110-milyong Pilipino ang aktibo sa internet kung saan mahigit 80 million users ang social media platform na Facebook na kadalasang napapanuod ang fake endorsements ng mga obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 70,649 total views

 70,649 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 98,654 total views

 98,654 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 116,454 total views

 116,454 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 113,574 total views

 113,574 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 220,723 total views

 220,723 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top